Chapter 12 “Daddy?” anang boses sa pintuan. Sabay kaming napatingin ni Ishmael sa isang bagong kagigising na si Justine. Mabilis kaming naghiwalay sa isa’t isa. Nakatayo lang ako sa gilid habang si Ish ang nagpunta kay Justine at binuhat. Humilig lamang ang anak ko sa leeg ng kanyang Daddy. A sigh and a smile of contentment, a satisfaction on her lips. “Ang tagal mo kamo, Daddy! Bad!” ani Justine at lumagapak sa ang maliit na kamay sa pisngi ng kanyang Daddy. Humalik lang si Ishmael sa noo nito. “I’m sorry, baby. Daddy is sorry.” Lumagabog ang dibdib ko. Ang sarap-sarap nilang panuorin. Nakakataba ng puso sila tingnan. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Pero hindi, dahil punit na at nagkalat ang mga piraso ng aming buhay mula nakaraan at kasalukuyan. It’s all scattered

