Chapter 39 Nang matapos sa boutique ay sa hotel ang aming diretso. Mabilis lang naman kami roon para magbihis. Masaya ako sa pag-aasikaso kay Justine. Her yellow dress plus polkadots headress gave it all! She’s so cute! “Ikot ka, baby,” sabi ko. Sinunod ni Justine ang aking gusto. Umikot siya sa harapan ng vanity mirror at nakita rin ang sarili kaya naman sabay kaming tumawa. “I’m pretty, Tita. Like you! Thank you! Love you!” Pumunta ito sa aking pwesto at yumakap sa aking binti. I watched our reflections and bit hard on my lips. Hinaplos ko ang kanyang ulonan at sinabing siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. She insisted that I’m the fairest! Pumapalo ang puso ko. After thirty minutes, ako naman ang bumaba. Simpleng tshirt at pants lamang ang suot ko as I wanna look s

