Chapter Four

3129 Words
HELENA MICHELE Apat na araw na ang nakalipas mag-mula ng ma-admit sa ospital ang anak ni Helena. Ang sabi ng doctor ay kinakailangan pa ng ilang pagsusuri dahil sa hindi pa rin maganda ang lagay nito. Dalawang gabi na din siyang hindi nakakapasok sa trabaho, mabuti na lang at mabait ang manager nila at naiintindihan nito ang kalagayan nilang mag-ina. Kaya ngayong araw ay papasok na siya, nahihiya na rin siya sa mga ka-relyebo niya. "Alis na ako, baks," aniya kay Rc habang inaayos ng kaibigan ang mga dala nitong pagkain. "Sure ka? Wala ka pang kain, kumain ka muna kahit kaunti lang." Umiling siya at ngumiti sa kaibigan. "Doon nalang ako kakain sa pupuntahan ko, baks! Ikaw muna ang bahala ulit kay Mia, huh," tinapunan niya ng tingin ang kanyang anak na natutulog. Mahimbing ang tulog nito kahit may sakit. "May mga deliveries pa ako, pupunta pa ako kila Jacquiline, maghahatid ng mga orders niya." "Sige ako na bahala, pero sure ka? Maaga pa naman, kumain ka kahit ilang subo lang." pilit pa rin ni Rc sa kanya. "Keri lang, baks. Hindi pa naman ako gutom. Im on a diet." At kinindatan pa niya ang kaibigan. "Sige ikaw bahala. Bumalik ka na lang agad kapag nakatapos kana para makapagpahinga ka naman kahit sandali," concern na sabi ni Rc. "Areglado! bossing kung tunay." Napailing nalang si Rc. Pagod man siya sa pananahi at pagbebenta nitong nakaraang ilang araw ay wala siyang oras magpahinga dahil marami pa siyang dapat tapusin ngayong araw para kumita ng pera. Nagpaalam na siya at nagtungo sa billing station para itanong ang bill nang kanyang anak. Halos manlumo siya sa laki ng bill nila. Umaabot na ito ng mahigit isang daang libo. Patong patong na ang kanyang problema, pakiramdam niya ay mauubusan siya ng lakas. Pero hindi pwede. Napabuntong hininga na lamang siya habang dahan dahang umuupo sa isang bench. Where in these world she can get that big amount of money? Sa ganitong sitwasyon niya naiisip at sinisisi ang kanyang ama at kapatid sa lahat ng kamalasang nangyayari buhay niya. Gusto niyang umiyak pero wala nang luha ang gustong kumawala dahil mas ukupado ng isipan niya kung saan at pano niya makukuha ang ganong kalaking pera. Nasa malalim siyang pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang mumurahing cellphone. Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at sinagot. "Hello?' "Baks! What time ka go gora dito sa bahay?" Si Jacquiline isa sa mayaman niyang costumer. Napatampal tuloy siya sa noo, naalala niya pupuntahan niya nga pala ito ngayon. Kung hindi pa ito tumawag ay makakalimutan niya nang may usapan sila. Tumayo na siya at nag-lakad palabas ng ospital. "Papunta na baks. May dinaanan lang ako. M-may iba ka pa bang lakad?" At saka binilisan ang paglalakad. "Waley naman. I just want to know, so i can at least prepare something for you. I know naman na purita avila ka-" saka nilakipan ng halakhak ang sinabi nito. " At may kasamang lait talaga? Ikaw maghahanda? May sakit ka ata teh!?" "H-hala siya! What do you think of me. Tamad?" "Hindi ba?" "Your so mean! Anong silbi nila manang, if me pa ang magpre-prapare ng foods mo diba? Basic bakla-" maarteng sabi nito. Maarte ito pero hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya nag oorder ng mga pampaganda. "Eh di, wow! 'kaw na mayaman. Mapapa sana all na lang talaga ang mga tulad kong Purita Avila, sa rich kid na tulad mo-" nasa labas na siya ng hospital kaya sinenyasan niya ang trycicle driver para makasakay. "Noh!? Pero sige, bet ko 'yan. Go gora na ako, pasakay na ako, saglit lang ako sandali sa bahay para i get mga idi-dilever at yung order mong matapobre, ka!" Tinawanan lang siya nito. "Ok. See yah! Call me if you're at the subdivision gate na, huh! Ipapasundo kita. You know naman our securities here, they are very istrikto sa mga puritang bisita." pabirong paalala ng kaibigan. Sanay na siya sa tabas ng dila nito kaya sinasakyan niya na lang, ganon din naman siya dito kung nasa mood siya. "Oo na. Para naman first time ko bumisita d'yan sa yayamanin niyong subdivision." iritang sabi niya. She can't help her self to rolled her eyes. Nang makakita siya ng tricycle ay agad na siyang sumakay at nagpahatid sa kanilang address. Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na sila. She is about to get off from the tricycle when she heard gossip on the side of the road with Aling Sefa's gossiper friends. As usual, they are talking about her. "O-oh. Tignan niyo, kaya minamalas 'yan ay dahil sa klase ng trabaho niya. Kawawa naman ang bata." -Mas kawawa kayo kasi mga tsismosa kayo.-aniya sa sarili. "Inumaga na ng uwi. Sigurado ako kung sinu sinong lalaki na nakatikim diyan." -Ang galing humula, wala mang lang tumama!?- "Malamang mare! Sayang ang ganda. Kung ganyan kaganda ang anak ko ipapasok ko na lang mag artista kesa magputa." It makes her blood boil. -malas niyo hindi pinagpala ang mga anak niyo sa kagandahan.- sabi nalang niya sa kanyang isipan. "Kaya nga. Mas madali siguro ang kumita 'don mare. Bubukaka ka lang naman." At saka nagtawanan. She doesn't care of what they say, she know herself very well. Yes, she's working at the club but it doesn't mean she's hooker. Inabot niya ang bayad "Manong bayad ho," kinuha naman agad ng driver. Habang hinihintay niya ang kanyang sukli ay patuloy siyang nakikinig sa usapan ng mga tsismosa. "E-eh. Diba nga, trabaho rin ng ate niya 'yan? Kaya nagbuntis ng maaga at siya ngayon ang nag aalaga at pumapasan sa lahat ng responsibilidad ng ate niyang talande?" May tampo man siya sa ate niya pero masakit parin sa kanya ang masasamang komento nila rito. "Sinabi mo pa! Kaya kayo, 'yang mga anak nyong babae, sabihan niyo na 'wag gumaya sa babaeng yan. Babae na taga bigay ng panandaliang aliw, kumita lang ng kakaramput na pera," bakit ba ang dali nilang manghusga ng tao gayong hindi naman nila alam ang totoo? "at saka yang pagtitinda niya kunwari sa online? Im sure front niya lang 'yan para hindi mahalata ang totoong trabaho niya. Maniwala kayo sa akin. Panigurado paglaki ng anak niya, hindi na ako magtataka kung gagaya rin sa kanya." Nagpantig ang tenga niya sa sinabi ni Aling Sefa. Sumang-ayon pa ang mga kausap nito. Huminga muna siya ng malalim para pakalmahin ang sarili at saka pinintahan ng nakakalokong ngiti ang kanyang mga labi bago dahan dahang nilapitan ang mga ito. "N-nako, mare. mukang narinig yata tayo." Bakas sa mga muka nila ang pag aalangan. Then she smirk. "Sino ba naman po ang hindi makakarinig sainyo Aling Andeng, Aling Sefa? Eh. dinaig niyo pa po ang naka megaphone sa lakas ng boses niyo." Gustong-gusto niya nang pagsasabunutan ang mga ito pero hindi niya iyon gagawin. Ipinangako na niya sa sarili ang hindi na mauulit ang pagpa-brgy sa kanya. Ang mga reaksyon ng mga ito ay mga pa-inosente, kunwari walang maling nagawa maliban kay Aling Sefa na pinaypayan pa ang sarili gamit ang abaniko nitong dala at mistulang tatarayan pa siya base sa tingin nito sa kanya pataas baba. "O-oh. Bakit hindi ba totoo Helena, na 'yon ang trabaho mo?" Mataray na sabi nito. -eto na naman po tayo- aniya na lang sa isip. "Napaka judgemental mo naman po, Aling Sefa- At ano naman po sainyo kung 'yon nga ang pinagkukunan ko ng ikinabu-buhay namin mag-ina? Hindi naman po ako humihingi sainyo diba?" Dahil sa sinabi niya ay nag beast mode ang matanda. "A-abat! Sumasagot ka pa? Bastos ka nga talaga! Walang kang utang na loob!" Pabulyaw na sabi nito, napailing nalang siya at napangiti ng mapait. "Hindi po porket may utang akong pera sayo puwede mo na po akong pagsalitaan ng kung anu-ano. Bakit aling Sefa? Ang pangingi-alam niyo po ba sa buhay ko, hindi kabastusan? Ang paratangan ako ng mga bagay na wala naman kayong proweba? Puwede niyo ako bastusin, pero ako bawal ko kayong balikan? At baka po nakakalimutan niyo wala po akong utang na loob sainyo, dahil buwan buwan ko po kayong binabayaran." Cool na cool lang siya habang sinasabi ang bawat kataga. Hindi niya hahayaan na mag bunyi ang matanda at makita siyang apektado, kaya sa halip na siya ang mainis, ito na lang ang iinisin niya. Hindi maka-imik ang matanda sa mga sinabi niya, halata iyon base sa ekspresyon nitong bukas at sarado nitong bibig. Binalingan niya naman ang tatlong tsismosa. "Ikaw, Aling Andeng. Nagreklamo ba ako nang ilang beses kong nahuli ang anak mo na nanguha ng underwear ko sa sampayan namin? Dahil ano? Dahil sa wala daw siyang tuyong brief kaya panty ko ang napagdiskitahan? Aba, e, kagaling diba? Pero pinalampas ko iyon dahil nakiusap po kayo." Hindi akalain ng mga ito na magagawa iyon ng binata, dahil sa lugar nila ay malinis ang imahe nito sapagkat palagi itong binibida ng matanda na napaka-bait at responsable nang anak nito. Isinunod niya si Aling Sally. "Ikaw, Aling Sally? May sinabi ba akong hindi maganda tungkol sayo noong nag joy miners ka at hindi mo binayaran ang ni-mine mong damit, pampaputi at iba pang pampaganda ng apo mong, kahit laklakin na yata ang lahat ng glutathione capsule na paninda ko. Ay wala ng pag-asa pang pumuti?" Alam niya na masama ang manglait, pero tao lang siya at napikon din. "Sabi mo wala kang utang mare?" Sabay pang tanong ng dalawa pang matanda. Pero hindi iyon pinansin ni Aling Sally. "Sobra ka naman sa apo ko, Helena. Hindi naman tama iyan porket maganda ka, pwede mo na siyang laiten? At magbabayad naman ako!" Ani aling Sally. "So kayo, puwedeng-puwede niyo ako laiten at insultuhin? Pero ako hindi ko puwede'ng ibalik sainyo yung ginagawa niyo sakin. ganern? At hindi po lait 'yon dahil totoo naman." Natawa siya ng mapakla. "At baka hindi niyo na po matandaan, last year pa 'yang pangako niyo na bayad." Dugtong pa niya. "At ikaw, Aling Pasita. Narinig mo bang pinamalita ko sa lahat ng mga tsismosa din nating kapitbahay, na may relasyon kayo ng border mong tambay na nga, muka pang isang linggong hindi naliligo?" Sukat sa sinabi niya ay nawalan ng kulay ang muka ng matanda. Hindi siya tsimosa pero sigurado siya dahil nahuli na niya ang mga itong aglalampungan ng minsan bibili sana siya sa tindahan nito. ''Oh. Diba? Natahimik kayo. Ang gagaling niyong manghusga, pero pare pareho naman tayo na may mga itinatagong baho." Wala ni isa ang gustong magsalita, hindi makatingin ang mga ito sa mga mata niya. Halatadong mga guilty. Nang wala na siyang mahintay na rebat sa mga sinabi niya ay nag-bilang muna siya ng sampo para um-exit, dahil naalala niya may lakad pa siya. "Wala na po ba kayong sasabihin? Aalis na po ako." Wala parin siyang narinig kaya tinalikuran niya na ang mga ito. Hindi pa man siya nakakalayo ay nagsalita si Aling Sefa. "Huy! Helena. Hindi pa tayo tapos. Ang utang mo, bayaran mo bukas na bukas!" Napakakulit talaga nito. Huminto siya at muli niya itong hinarap. "Oo na nga po diba? May bukas pa po. Wag po kayong unli. Hindi ko po kayo tatakbuhan." "Abay, dapat lang." Mataray pang sabi ni Aling Sefa. Tinalikun niya na ito ng tuluyan at nagmadalng pumasok sa bahay nila. Matapos makuha ang mga dadalhin ay agad din siyang umalis. Tanghali na ng makarating siya sa subdivision nila Jacky. Inuna niya kasi ang makipag-meet up sa iba niyang costumer. May mga dala pa rin siyang paper bag. Lalagyan ng mga order ng kaibigan. Napakunot siya ng noo ng makita ang nakabalandra sa gate ng subdivision. May mga police, parang may check point. Nagtaka siya dahil bakit mga police ang bantay, gayong dapat mga security guard lang. Nasa anim sila at mukang magtatanghalian na, nakaupo kasi ang mga ito kaharap ng pagkain sa mesa. Nang makita siya ng isa ay lumapit ito sa kanya. "Ano po meron, Sir?" tanong niya. Ang ibig niyang sabihin ay kung bakit may check point. "Order po ng management ma'am" magalang na sagot nito. Napatango-tango na lang siya Nginitian siya nito kaya ngumiti din siya. In fairness ang cute din ni mamang police. "Saan po kayo, ma'am?" anito. "Sa mga Alonzo po, Sir," magalang niyang sagot. "Are they expecting you today, ma'am? If yes, can you make a call to inform them that you are already here at the gate," -aww. English is real, RIP Helana- aniya sa sarili. "Sige po, Sir." Kinuha niya ang cellphone sa bag para tawagan si Jacq. "Tara po muna sa tent ma'am, para ma-ibaba niyo ang mga dala niyo, mainit pa naman po," tinulungan siya nito sa dala niya, at saka siya sumunod kay mamang Police. May mga iba pang police sa tent, mga lima pa at pang anim ang kumausap sa kanya. Nagsitinginan sa kanila ang mga iba pang police. May mga mapaglarong ngiti sa mga labi nila. "Oh, girlfriend mo Robles?"tanong ng medyo may edad nang police, mukang ito ang head nila. " Hindi po, Sir. Sa mga Alonzo daw po, sir," magalang naman na sagot nito. Tumango naman ito. "Ganon ba? Sige miss, sige miss maupo ka muna. Bigyan mo ng maupuan Robles." Utos nito. Nginitian niya ang mga ito. Agad naman siyang binigyan ng mauupuan. Nang makaupo siya ay saka naman niya tinawagan si Jacqueline. Nakailang ring na pero walang sumasagot. Naiinis na siya, lalo at nagugutom na rin dahil sa naaamoy niyang mga ulam ng mga mamang police. Mga paburito pa naman niya ang mga nakahain. Adobong baboy, pakbet at dinakdakan ang mga ulam nila. -langyang buhay to. Torture- aniya sa sarili habang ang tiyan niya ay nagkakagulo na. Nag iwan na lang siya ng mensahe kay Jacquiline na maghihintay sa may gate. Napansin yata ng police na kumausap sa kanya na ilang minuto na siyang naroon. Bakas din sa muka niya ang pagkainip. "Ok lang po ba kayo ma'am? Wala pa po ba ang susundo sainyo dito sa gate?" tanong nito. "Wala pa nga po sir, eh, kanina ko pa po siya tinatawagan. Nagugutom na rin po ako." Kapal muka niyang pahayag habang nakahaplos sa tiyan. Narinig naman ng matandang police ang sinabi niya. "Halika muna, ija-" tawag nito sa kanya. "Bigyan niyo nga nang makakain si Miss na maganda." Utos sa mga kasama nito. Napangiti siya sa narinig, piyesta na naman ang tiyan niya nito. Ipinagsandok siya ng makakain ng police. Nang makita niya iyon ay literal na nag twinkle twinkle ang mata niya. Pero syempre dahil dalagang pilipina siya ay hindi niya iyon ipinahalata, nagkunwari siyang nahihiya pero deep inside ay ang tipikal na Helena, walang hiya. "Nako, nakakahiya naman po. Pero, puwede po bang padagdag ng dinakdakan at konting kanin na rin," walang kagatol gatol niyang sabi habang pasimpleng tinuro ang ulam. Wala nang hiya hiya basta gutom siya. "Ah, sure miss. Ito ba?" tanong nito habang sumasandok sa pagkain. "Opo, tama na po, nakakahiya naman pinakain niyo pa ako." Kunwaring sabi niya at saka tumingin sa mga kasalo sa mesa. "Wala iyon, ija. Sige kumain ka lang diyan habang wala pa ang hinihintay mo. Kumuha ka lang kung gusto mo pa," sabi ng pinakamatanda sa mga police. Inabot sa kanya ni Robles ang pagkain hindi na siya nahiya pa at nilantakan ang pagkain. Magana silang nagsalo-salo sa pagkain, kwentuhan sila habang kumakain. Nakilala ni Helena ang iba pa at nag feeling close na sa kanya. Kaya panay ang tawanan nila sa mga biruan nila, ininireto kasi nila si Robles sa kanya. Ilang sandali pa ang nakalipas nang may isang babae na bigla na lang sumulpot kung saan at gusto siyang saktan. Nagkagulo sila sa hapag, galit na galit ang babae at nag sisigaw at susugurin siya. Maagap naman itong napigilan ng isa sa mga police. Sinapak nito sa muka ang asawang naka yakap dito. "Sinasabi ko na nga ba at may babae kang hayop ka!" at saka siya binalingan. "Malandi ka! Ikaw pala ang babae nitong asawa ko! Walang hiya ka!" Galit na galit na sabi nito habang nakaturo ang daliri nito sa kanya. Napakunot siya ng nuo at nagtatakang itinuro ang kanyang sarili. "Ako? Babae ng jowa mo? Excuse me, teh. Nakikikain lang ako dito, wala akong alam sa sinasabi mo," aniya. Asawa pala ito nang kasamahan nila Robles. Nataon kasing napag gitnaan siya ng tinutukoy nitong asawa at ni Robles, marahil inakala nitong babae siya ng asawa nito. Hindi pa rin naniniwla ang babae at pilit kumakawala sa asawa para sugurin siya. "Babe, totoo ang sinasabi niya. May pupuntahan siya diyan sa loob at naghihintay lang dito," paliwanag ng asawa nito. Pero nag pumiglas pa rin ito at gusto siyang sugurin. Muntik nang mahagip nito ang mahaba niyang buhok, mabuti na lang at mabilis ang galaw niya at nakaiwas siya. "Iha, tama na yan. Totoo ang sinasabi ng asawa mo, wala siyang ginagawang masama, kahit itanong mo pa dito kila Robles at iba pang kasama namin." Pagpapakalma ng head offiicer ng mga police. Parang hindi naman iyon narinig ng babae at aatake na naman muli, inaawat naman ito ng asawa. Marami nang mga nanood sa kanila, mga napapadaang sasakyan ng mga nakatira sa village. Aakalain ng mga ito na isa siyang kirida na aktuhan ng legal wife. Nasa magulong tagpo sila nang dali dali namang lumapit si Jacquiline na kababa lang sa sasakyan nito. Agad siyang hinila nito at iniwan ang mag asawang nag babangayan. Papasakay na siya nang umarangkada naman ang isang itim na BMW sa harap nila papasok sa village. Nakababa ang bintana nito kaya kita niya ang mga nasa loob. Naagaw ang pansin niya ng muka ng lalaking driver may kasama itong magandang babae, saglit lang siyang tiningnan nito. Mukang napanood nito ang tagpo kanina kaya masama ang tingin nito sa kanya. gwapo sana, muka naman kumakain ng tao, aniya sa sarili. Sumakay na din siya sa passenger seat. "Anong eksena 'yon, Helena?" naguguluhang tanong ni Jacq. Natawa siya nang maalala ang eksena kanina." Pinagkamalan akong kirida, bakla! Muka ba akong kirida?" Tanong niya sa kaibigan. "Nakatawa ka pa sa lagay na 'yan? Ano ba kasing ginagawa mo 'don?" "E, 'd, ano pa? Naghihintay sayo, malamang! Ang tagal mo kasi kaya nakikain na rin ako, tapos bigla na lang may babaeng dumating, asawa pala nong isang police, tapos pinagkamanlan akong kirida," paliwanag niya. "At talagang nakikain ka pa?" "Duh! Ano magagawa ko? E. Tao lang naman ako at may sikmura na nagugutom, kasi yung isa diyan ang bilis, grabe!" sarkastika niyang sagot. "Oo, na. Kasalanan ko na. Tara na nga sa bahay at 'don ka lumamon nang hindi anu anong gulo ang napapasok mo." Pinatakbo na nito ang sasakyan. Pero ang isip ni Helena ay nasa lalaking paring nakita niya kanina. Para siyang timang na nakangiti sa kawalan. For the very first time ngayon lang siya nagkainteres sa lalaki. Ano kaya pangalan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD