Metro Manila, 2017
"Don't tell Xander."
Takang nilingon niya ang katabi. Sa buong byahe ay nanatili siyang tahimik. Not that she hated the woman next to her. Totoong wala silang masyadong pinagsamahan ni Ellis hindi tulad ni Shinna dahil buong pananatili ata ng una sa mansyon ay nasa kwarto lang ito. Nagkataon lang talaga na marami siyang iniisip sa ngayon.
"I don't want to complicate things between Rick and his friends." Pagpapatuloy ni Ellis. "Alam kong may idea kayo tungkol sa akin. And why I was inside the room for almost my whole stay there. I am not going to bring danger to your cousin."
"I'm not sure why you're saying this to me, but I'm not gonna say anything to anyone unless they ask." Pagkasabi ay tumanaw siyang muli sa labas ng bintana. Marami pa ring katanungan sa isip kung bakit siya gustong ipadala ni Xander sa totoong ina.
Well, her mother reached out on him. Narinig niya ang pag-uusap nito at ni Nay Pilar tungkol doon. And before he decides, inunahan na niya ito. That's why she's feeling lost and doubtful. Naroon ang sakit sa dibdib na lisanin ang nakagawiang buhay sa Quezon Province. Lalo naman ang iwan ang mag-asawang siyang tumayong magulang sa mahabang panahon.
Ilang sandali pa ay papasok na ang bus na sinasakyan sa terminal.
"I'm going to leave first."
Hindi niya nagawang sumagot at pinanood ang pagtayo ni Ellis. Of course, makikita nito ang lalaking tinatangi. Who wouldn't be excited!
Hinayaan niyang makalabas ang lahat ng pasahero bago siya bumaba. She hates crowd. Isa sa mga dahilan ng kagustuhang mag-freelancing. Gusto niyang nasa bahay lang siya. But now, her mother wanted to reclaim their relationship as mother and daughter. Kasama ng bagong lalaking kinakasama nito.
Ilang sandali pa ay natanaw si Xander kaya dali-dali siyang bumaba.
"I know that you're busy. Sana ay hindi ka na lang nag-abala Kuya Xander." Agad niyang bungad at hinayan itong kunin ang mga gamit mula sa kanya.
"Sinabi ko ng hindi mo kailangang gawin ito. At mukhang wala ka ng itinirang gamit sa bahay."
"I have to do this. We both know that I have to." Nagpatiuna siya. She doesn't want to be nostalgic. Ang totoo ay naiinis siya rito. Narinig niya ang sinabi nitong gusto siya nitong ma-expose sa mundo. Na natatakot itong dumating ang araw na pagsisihan niyang hindi siya umalis sa comfort zone. As if living in Quezon Province is a terrible thing to happen for one individual.
"Natawagan mo ba si Pal?"
"I have her address. Dapat nga ay hindi mo na ako sinundo dahil sa hotel kami magkikita."
"Lana..."
Pinasigla niya ang mukha. "You will have your own family soon. Hindi habang-buhay ay pwede akong manatili sa bahay mo." Even if I wanted to.
"Magkaroon man ako ng sariling pamilya ay bahay mo pa rin ang mansyon. Hindi mo kailangan gawin ito ng labag sa loob mo." Nayayamot at magkasalubong na naman ang kilay na turan ni Xander.
She made no response. Hindi na niya pwedeng baguhin pa ang naging desisyon. The good side is, she can have a little taste of life in the city. Magustuhan man o hindi, at least ay sinubukan niya.
"Kumusta sina Nay Pilar at Tay Istoy?" Tanong nito.
"They're fine. Alam mo naman ang mag-asawa. Mas malakas pa sila sa kalabaw Kuya Xander, you don't have to worry. Perks of living in the province."
"I'm starting to doubt your intention. Alam nating lahat na hindi mo gustong umalis sa bahay. What changed your mind?"
Because I don't want you to worry about so many things. I want you to be happy. Hindi ang tungkol sa kinabukasan ko ang dapat mong alalahanin. "Have you spoken to Keira?" Tanong niya sa halip. At kitang-kita ang pagbabago ng ekspresyon ng pinsan. "I'm not the right person to give some romantic advice, pero hindi mo dapat pinapatagal na may tampo sayo ang girlfriend mo. Habang pinatatagal mo ang hindi ninyo pagkikita ay lalong lumalaki ang tampo niya sayo."
"You are trying to change the topic."
Napahawak siya sa braso nito. "Stop worrying about me. I'm an adult now! Pwede na nga akong mag-asawa." Napahagikgik siya sa nakitang disgusto sa mukha nito. "Shinna and Ellis are younger than me, and they are both in a relationship now."
"Ibang usapan ang tungkol sa kanila."
"Dahil ikamu ay hindi ako na-exposed sa mundo?" Tumanaw siya sa labas at pinanood ang pagbuo ng traffic sa daan. "I love reading books. Hindi na ako kasing-inosente tulad ng inaakala mo."
"Hindi ko gusto ang term na ginamit mo."
Isang tipid na ngiti ang naging sagot. Hanggang sa marating ang hotel kung saan kikitain ang ina at ang pamilya ng mapapangasawa nito ay wala na siyang imik. Bababa nalang ng tawagin siya ng pinsan.
"You can always come back home..."
She smiled but it never reached her eyes. Naalala pa niya nang unang mapunta siya sa poder nito. Ni hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya kahit na minsan. "I will visit you every now and then."
Doon lang ngumiti si Xander. "Come here..."
Lana gave him a long hug. "I will always be grateful to you Kuya Xander. For everything..." siya ang kusang humiwalay at baka bigla siyang umatangal. May haharapin pa siya ngayong gabi. "Stay safe..." bilin rito.
Muntik pa siyang hindi papasukin ng gwardiya sa dami ng gamit na dala. Hindi man sabihin ay halatang minamata siya nito. Mahabang palda at simpleng blouse. May bitbit pa siyang plastic ng kakanin na pinadala ni Nay Pilar.
Naghihitay siya sa elevator ng bumukas yun. Kilala niya ang lulan nun kaya natigagal siya. "W-Westley?"
Lalong nagdikit ang magkasalubong na kilay ng lalaki. "Lana? Anong ginagawa mo dito?" Sabay tingin sa hawak ng dalaga.
Bigla siyang sinagilan ng hiya. Kamakailan lang ay naglagi ito sa mansyon kasama pa ng ibang kasamahan. Pero tulad ng napag-usapan nila mahigit tatlong taon na ang nakararaan ay naging civil ang pakikitungo nila sa isat-isa.
"Bakit ang dami mong dala? Alam ba ni Xander na nandito ka?" Patuloy nito.
"K-Kikitain ko si Mama." Nag-iwas siya ng tingin. Gustong ignorahin ang atraksyong naramdaman sa nakitang ayos nito. Shirt at maong ang madalas suot ng lalaki sa tuwing mapapadpad sa Quezon. Pero ngayon ay naka-three piece suit ito. Mukhang may date itong pinuntahan.
"Is she working here?"
Of course! Sa itsura ba naman niya ngayon, malamang ay yun ang iisipin nito. Who would have thought na ang simpleng sekretarya lang na ina ay makakabingwit ng lalaking nagmamay-ari ng hotel na kinaroroonan. But she doesn't need to tell him the details. Kahit ang pinsan ay hindi alam ang tungkol doon. Bilang sagot ay tumango siya.
"Are you planning to stay for vacation? Natapos mo na ba ang bagong project mo?"
Napansin niya ang pagbabago ng aura nito. Natitiyak niyang masama ang mood nito kanina. "I-I already stop it. Nagpa-Maynila ako para maghanap ng trabaho."
"Trabaho?"
Inakay siya nito papunta sa isang tabi. "Bakit? Akala ko ay gusto mo ang freelancing."
Pasimple siyang pumiksi. Ang mahawakan nito ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari. "It's a long story-" pinutol ng tunog ng cellphone ang sasabihin. Walang pagdadalawang-isip na sinagot yun habang nanonood ito. "Paakyat na po Ma. Medyo nahirapan lang ako sa lobby pero nang sabihin ko ang bilin ninyo ay pinalampas naman ako. Sige po."
"Your mother is waiting for you."
"Mauuna na ako sayo." Pagpapaalam niya at muling binitbit ang mga gamit.
"Let me help you."
"No!" Agad niyang agap. Hindi niya gustong i-disclose ang tungkol sa personal na buhay. Hindi pa siya nakatitiyak kung anong eksena ang dadatnan sa taas. Ni hindi niya alam ang itsura ng lalaking gustong pakasalan ng ina. "Kaya ko."
Si Westley ay bahagyang pinagtakhan ang reaksyon ng kaharap. Hindi naman lingid sa binata ang damdamin ng pinsan ng kaibigan. At talagang pinagtatakhan ang pagparito ni Lana. Kinuha ang atensyon ng dumaang bellboy at inutusan ito.
"Hindi na kaya ko-"
"Just let him help you Lana. Hindi ko alam kung paano ka nakarating rito dala ang mga yan. Pero mas makabubuting magpatulong ka. If you are heading in the restaurant, then he will guide you all the way there."
Walang nagawa si Lana kundi tanggapin ang tulong bago magpaalam kay Westley. Funny how she loves staring at his handsome face but can't stand talking to him.
"Saan ho tayo Mam?"
Dali-daling hinanap ang VIP room na tinext ng ina.
"Sa VIP po ito-" hindi naituloy ng bellboy ang sasabihin at sa halip ay pinasadahan ng tingin ang kaharap.
Wala sa bokabularyo ni Lana ang magtaray, kahit na nga ba hantaran siyang minamata. Mahigpit na bilin ng ina na mag-ayos siya ng naayon sa pamantayan ng lipunan. Pero paano nga ba yun? Para sa tulad niyang halos lumaki sa probinsya ay hindi na uso ang dress code. Mag-aayos siya kung anong sa palagay niya ay komportable siya.
"Sigurado ho ba kayo?" Tanong ng bellboy. "May okasyon po kasi ang pamilya doon.
"Sigurado ho ako Kuya. Anak ako ni Paloma Villarama at hinihintay na ako doon."
"Ni Ma'am Paloma po." Hindi naitago ang panlalaki ng mata. "May anak pala si Ma'am Villarama." Halos pabulong na saad ng lalaki na hindi nakaligtas sa pandinig ni Lana.
Hindi siya nagbigay komento at sumunod na lang ng igawi nito ang daan. Mas kabado siya sa mga mangyayari na hindi na nais bigyang halaga ang ganun kaliit na bagay.
Matagal na silang hindi nagkikita ng ina. Puro sa long-distance call lang sila nagkakausap nitong nakaraan. At lalong mas kabado siya dahil ayun dito ay may unang pamilya rin ang bagong mapapangasawa na makakaharap ngayon.
"Dito ho Ma'am." Saad ng bellboynpaglabas ng elevator.
"Thank you po." Pagpapasalamat at tumanaw sa haharapan. Binagtas nila ang mahabang pasilyo bago huminto sa isang kwarto. Ultimo pinto ay mamahalin na lalong nagpabilis ng pintig ng puso.
"Tuloy na ho kayo." Mwestra ng kasama.
Teka lang, sigaw ng isip. Hindi pa siya handa. Pero naghihintay ito na bitbit pa rin ang ibang gamit niya. Parang sa isang pelikulang dahan-dahan nag-slow motion ang pagbukas ng pinto.
"Melana!" Agad na bungad ng ina nang makita siya.
Hindi siya agad nakaimik. Hindi matiyak kung alin ang unang pagtutuunan ng pansin. Ang apat na sulok ng kwarto na yun na humihiyaw sa karangyaan. Ang isang babaeng tila reyna na nakaupo sa mesa at ang nanunuring mata ay nakatitig sa kanya. Sa tabi nito ay isang batang babae. At sa tabi ng ina ay isang matikas na lalaking may nakahandang ngiti sa labi.
Lumapit si Paloma sa anak at bumulong. "Sinabi ko na sayong magbihis ka." May diin sa tinig pero nagbago ang tono ng humarap sa katabi. "Robert, this is my only daughter, Melana. You can call her Lana."
"Finally! At ang sabi ng Mama mo ay ordinaryo ka lang. You are as beautiful as her." Isang beso ang ibingay nito na hindi alam kung paano tutugunan ng dalaga. "Siya nga pala, meet my daughter Wynona and her daughter Trixie."
Iginiya siya nito sa mesa at itinuro ang babaeng nakaupo sa mesa. The woman did not smile despite the introduction.
"At least say hello to the visitor Wynona." May warning sa tinig ni Robert.
Masunuring tumayo ang babae at nilapitan si Lana saka binigyan ng beso. "It's nice to meet you."
Naramdaman niya ang coldness sa tinig nito pero sa kabila nun ay tumugon siya. "I-It's nice to meet you too."
Pagkatapos ng maiksing introduction sa isat-isa at kumustahan ay dumulog na ang lahat sa mesa. Tanging si Paloma at si Robert ang nagbibigay ingay sa paligid.
Binigyan ni Lana ng pagkakataong siyasatin ang anyo ng bagong mapapangasawa ng ina. Foreigner ito, hindi maitatanggi. But he speaks Tagalog fluently. At kung titignan ay mapapaisip ka kung paano ito nagka-gusto sa ina. Not that her mother is unpretty. Paloma has her own charm. Pero malakas ang dating ng Robert na ito. Kahit si Wynona ay halatang Amerasian.
Wala sa oras na natutok ang mata sa isang plato sa katapat. Are they expecting one more visitor? Napansin ni Robert ang pagkakatitig niya doon.
"That's for my son. He was here a while ago. Sayang at hindi kayo nagpang-abot."
Dumako ang nagtatanong na mata rito. She wanted to know more.
"Hindi maganda ang mood niya. You know what, my son is a member ay Philippine Navy. Kaya mayroon siyang mood swings."
"You must have met him Lana." Singit ni Paloma. "Kaibigan siya ng Kuya Xander mo."
"Oh yes darling, you've mentioned about it last time. Yung bahay na laging pinupuntahan ni Westley sa Quezon ay sa pinsan mo. Small world."
She was confused. Westley? May tumatakbong hinala sa isip pero hindi gustong tanggapin ng isip.
"I'm referring to Westley Thompson, hija. He is Robert's only son."
Sabihin pa'y pinanlakihan siya ng mata. Hindi pa nakuntento ay ilang beses na napakurap. "W-Westley? Westley Scott Thompson?" Napalunok siya.
"Yes, one of these days ay titiyakin kong haharap siya sa isa sa family dinner. May kwarto rin siya sa bahay na madalang niyang uwian dahil mayroon naman siyang sariling bahay at inuokupa rin ang penthouse dito sa hotel. You will see him soon, don't worry."
You will see him! Paulit-ulit na sigaw ng isip. I already saw him! Again!
Kung alam lang sana ng Robert na ito ang sinasabi. Ang bigat sa dibdib dahil sa kakaharapin ay tila lalong nadagdagan. Westley Thompson will be her mother's stepson! And her step-brother. Ang lalaking yun! Of all people! Oh parang gusto niyang mawalan ng ulirat.