Sebastian "Pare, nakarami ka na. Tama na iyan." Hinawaka ni Dustin ang kamay ko nang aktong tutunggain ko na ulit ang alak sa baso ko. "Puwede huwag mo kong pakialaman!" Naintindihan niya namang gusto kong magpakalunod ngayon sa alak kaya tinigilan niya na ang pakikialam sa'kin. Maingay dito sa bar niya pero bakit paulit-ulit ko pa ring naririnig lahat ng mga bagay na sinabi sa akin ni dad kanina. Kahit kaninang wala pa akong tama at kinakausap at kinakamusta ako ng mga kaibigan kong kasama ko ngayong uminom ay hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil nagsusumigaw sa isip ko lahat ng nalaman ko ngayong araw. Hindi. Hindi ko kayang basta tanggapin na lang ang lahat! Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi totoo ay wala akong magawa. Bakit? Paanong nangyari lahat

