Malipas ang dalawang taon Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa aking sasakyan mula sa sementeryo. Nagmaneho ako ng mga ilang oras hanggang sa marating ko na ang aking destinasyon. Nagkagulo ang mga tao sa labas ng gusali kung saan ako tumigil. Mabilis namang umalalay ang mga securities para pagbuksan ako ng pinto at protektahan mula sa mga taong pilit na lumalapit para humingi ng autograph, larawan at kung anu-ano pang souvenir mula sa akin habang papasok kami ng building. "Naku Ms. Hilary, akala ko po hindi na kayo darating. Limang minuto na lang po at magsisimula na ang live interview niyo at agad din po iyong susundan ng book signing ma'am." Salubong sa akin ng P.A. kong si Jean pagkapasok ko ng dressing room. "Sorry, may dinalaw lang muna kasi ako bago dumiretso rito." Mabi

