XEYA CLEMENTINE'S POV "WHAT?! YOU?! Kailan pa?!" Hindi ko maiwasang mapapikit nang marinig kong mapataas ng boses si Ashton habang kinakausap kaming dalawa ni Santi. Nasa bahay ulit kami ngayon, pero sa pagkakataong ito, kasama na namin si Ashton. Wala kaming maisip na lugar kung saan namin siya pwedeng dalhin kung saan hindi kami makakakuha ng atensyon dahil pareho naming alam ni Santi na ganitong-ganito ang magiging reaksyon ni Ashton. "Matagal na." Sagot ni Santi sa kapatid niya. "Matagal na? Pero ni hindi niyo man lang ako sinabihan tungkol dito." "Coz we both know you are against us, Ashton. Just like Xeya's parents, and your parents; your whole clan will be against us." Seryosong wika ni Santi. Buong-buo ang boses niya kaya hindi namin maiwasang mapatingin sa kanya. Looki

