I miss you

2992 Words

[Letlet] Nagmamadali n'yang inabot ang pagkain kina Lucian at Gian. Gusto niya pa sana na magtagal at makausap ang nobyo pero hindi na niya nagawa. Mahirap na at baka maabutan pa siya. Malungkot na naglakad siya pabalik ng bahay. Bakit gano'n? Hanggang ngayon ay tila galit pa rin sa kanya si Lucian? May nagawa ba siyang ikinagalit nito? Ano naman 'yon? Isang malakas na tapik ang nakapagpabalik sa diwa niya. "B-Bakit ang lungkot ng mukha mo d'yan? Eh, ako itong hinahabol ng mga babaeng 'yon dahil nagsinungaling ako." Medyo hingal pa si Birang, nakahawak pa ito sa dalawang tuhod ngayon na halatang galing sa malayong pagtakbo. "Grabe ang mga 'yon! Sabik sa mga lalaki!" Palatak pa nito. Nagpatuloy siya sa paglakad at walang kabuhay-buhay na pumasok sa bahay nila, kasunod si Birang. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD