[Letlet] "Samahan mo na ako." Pamimilit niya kay Birang. Narito siya ngayon sa bahay ng mga 'to, at heto nga at nagpapasama siya. "Ayoko." Todo iling ang kaibigan niya. "Ito na ang pagkakataon para masolo niyo ang isa't isa, ano ka ba!" "Birang, naman! Samahan mo na ako, natatakot ako, eh!" Pag-amin niya. Noong una ay wala naman siyang takot na nararamdaman, pero no'ng nalaman niya na may pagtingin sa kanya si Gian ay nag iba na... Naalala niya si Rogelio... "Bakit ka matatakot, Letlet? Nakalimot ka na ba?" Sumeryoso ang mukha ni Birang. "Sa hardin na 'yon ay nagkalat ang engkanto, maligno, multo, at mga diwata. Kaya sa oras na gumawa ng masama si Gian ay may tutulong sa'yo!" Ang sarap hampasin ni Birang ng palo-palo sa ulo. Hanggang ngayon ba naman na matanda na sila ay naniniwal

