[Letlet] "Letlet, naman! Ang sabi mo sa akin ay dadalo ka!" Kandahaba ang nguso ni Birang. Narito sila sa kwarto niya at kumakain ng nilagang mani. "Wala nga akong maisusuot." Matamlay siyang tumingin rito. "Bakit kasi ang liit ng dibdib mo, hindi tuloy ako makahiram sa'yo ng bestida—" Binato siya ng mani ni Birang at pinandilatan siya ng mata. "Kasalanan ko ba na ang laki ng dibdib mo?" Umirap ito at saka tumingin sa hinaharap. Napasimangot ito. "Bakit nga ba wala akong dibdib?" Akala niya ay makakasayaw niya si Lucian sa unang pagkakataon, pero hindi pala. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nakaalis na si birang, at heto siya, nananamlay na nakahiga sa papag. Tinatamad na tumayo siya ng makarinig ng katok. Si Gian. "Para nga pala sa'yo, Letlet." Tumingin si

