[Someone] NAGPUPUYOS sa galit si Chloe. Halos lahat ng kanyang mahawakan ay tinatapon niya. "Stop it, Chloe." Mariing sita ni Gian sa dalaga. "No!" Malakas na tili nito. "I would never accept it! Never!" Napupuno ng galit, sakit, at inggit ang puso niya. Hindi siya makapaniwala na inalok ng kasal ni Lance si Letlet. Si Lance Kerford na hindi naniniwala sa kasal ay nagpropose sa isang ignorante at mangmang na babaeng 'yon! "That's why narito ka, Chloe. I called you because I knew that we have the same situation." Lumapit si Gian kay Chloe, with a evilly smile in his face. "Kapag nagawa mong mapaghiwalay sina Lance at Letlet, pareho tayong makikinabang." Pinahid ni Chloe ang luha at tiningnan ng masama si Gian. "Ako lang ba ang kikilos? What about you? Saka ano ba ang nagustuhan niyo

