MALUNGKOT akong bumalik sa loob ng penthouse. Naabutan kong nakasandal si Williiam sa amba ng pader at nakacross arms pa, parang may inaantay. Napaayos ito ng tayo nang makita akong papasok. "She's gone?" tanong niya. Tumango ako. "Kakaalis niya lang." Pumasok ako sa loob at nilagpasan siya, wala na roon sila Lualhati at Khalil mukhang nasa kaniya kaniya na nilang mga kuwarto. Ramdam ko ang pagsunod sa likuran ko ni William. "I already got what you asked the other day." Ibinigay nito sa akin ang isang folder. "Nakalagay na dyan lahat ng mga projects na ginawa mo na nakapangalan kay Wyatt. Kapag lumabas ang balitang hindi siya ang gumawa ng lahat ng projects na 'yan ay sigurado akong masisira ang pangalan niya. Baka nga itakwil pa siya ni Henry dahil dyan." Kinuwa ko ang folder at bin

