BIGLA akong pinanghinaan sa narinig. Namalayan ko na lang na napaupo na pala ako sa sahig dahil sa panginginig ng mga hita ko. Gusto kong isipin na mali lang ang news tungkol dito pero paano ko pipilitin ang sariling manila kung na sa harapan ko na ang ebidensiya! What the heck is the meaning of this?! Paanong nagkaganito ang lahat?! "Nagulat kami ng biglang i-announce na ikakasal na kayo, Mr. Baldemore. Hindi ba't may mga balitang kumakalat na in a relationship ka sa isang unknown girl?" tanong ng reporter kay Wyatt. Natawa lang si Wyatt sa tanong nito. "I don't have any girl except to Meilani. Siya lang ang laman ng puso ko at wala ng iba pa. So, please. Stop spreading fake news." Nadurog ang puso ko sa pira-piraso ng itanggi ako ni Wyatt. Paano niya nagagawang itanggi ako habang kaya

