MASARAP ang bawal, mga katagang palaging kong naririnig at mga katagang hindi ko rin maitatangi. Bacause even I, can't deny the fact that we, humans usually loved to play a game we shoudn't play in the first place, even after the knowing the consequence of it. Maybe, because it was part of human nature? To be attract to the things that could hurt us in the process.
It was mesmerizing at first, an enjoyable and thrilling feeling but then watch after it get to you... the consequence of playing with fire.
Does my karma has finally come?
"B-Bakit nandito po kayo?"
Mayroon na akong ideya kung bakit ito naririto ngayon pero gusto ko pa ring magmaang-maangan. Hindi niya pwedeng malaman na ako nga ang babaeng nakasama niya buong magdamag.
Napaatras ako ng maglakad ito papalapit. Wala sa sarili naman akong napaatras. Kinabahan ako sa biglang paglapit niya.
"A-Anong ginagawa mo?"
Ngumisi siya. "Stop fooling around, Ms. Fuentes. You know very well what am I doing right now," mapang-asar siyang saad. "Tell me, is it fun? Is it fun playing with me and my nephew at the same time? hmn?"
Kalmado ito pero nababakas ko ang panganib sa aura niya. Tila ba isang maling galaw ko lang ay maaari niya na akong kitilin.
"H-Hindi ko alam ang mga pinagsasabi moo, Uncle William. K-Kailangan ko ng balikan si Wyatt. Mauna na ako sa iyo."
Tinangka kong lagpasan ito pero hindi ako nito hinayaan. Itinulak niya ako sa pader ng restroom at kinorner dahilan upang hindi ako makatakas. Napadaing ako dahil sa ginawa niya. Wala yata sa bukabolaryo nito ang magdahan dahan man lang.
"A-Aray! Anong problema mo?!"
Nanakit ang likod ko dahil sa pagtulak niya. Pakiramdam ko ay may nabaling buto ko.
Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang tatlong mga kababaehan magkakaibigan na mukhang mga bata pa na patungo sana sa restroom pero nang makita nito nangyayare sa pagitan namin ay mukhang nagbago ang isip ng mga ito at hindi na tumuloy.
Kailangan ko ng makaalis rito sa lalong madaling panahon kung ayaw kong si Wyatt naman ang makakita sa nangyayare.
Bumagsik ang tingin niya. "Stop acting so innocent. A woman like you can't never fool me. I know you were the woman last nigth."
Nabitawan ko ang pouch na hawak dahil sa pagkabigla. I-Ibig sabihin alam niya? A-Alam niyang ako ang babaeng kasama niya kagabi!
Napaigik ako ng hatakin niya ang braso ko ng marahas. "Gold digger. Stay away from my nephew. After seducing me last night you're planning to get under Wyatt pants now?"
Pinilit kong bawiin mula sa kaniya ang braso. "A-Ano ba nasasaktan ako!"
Subrang higpit ng pagkakahawak nito sa braso ko. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng pasa dahil sa hawak niya.
"Masasaktan ka talaga sakin kapag hindi mo pa tinigil ang kabaliwan mo. Bitches like you will never bring any good. Alam ko na ang mga taktika ng mga kagaya mo!"
Kinabahan ako sa banta niya pero kahit ganon ay pilit kong tinatagan ang loob.
Itinulak ko siya papalayo, binitawan niya rin ako sa wakas. "Hindi ako kagaya ng iniisip mo. I'm not a gold digger!" sigaw ko.
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Lahat ng frustration na nadarama ko ay inilabas ko na. Lahat ng takot at pangamba sa puso ko dahil sa lahat ng mga nangyayareng ito sa buhay ko ngayon.
Natigilan siya ng makitang umiiyak ako. I harshly wipe out those pathetic tears. Ayokong magmukhang kaawa-awa.
"Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi mo! You should be the one to be blame here. Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ni Wyatt kapag nalaman niyang nilapastanganan mo ang girlfriend ng pamangkin mo?!"
Hindi makapaniwala akong tinignan. "What? Serously, now you are putting the blame on me? Baka nakakalimutan mo. Ikaw ang bigla na lang pumasok sa kuwarto ko kagabe."
"I-I was drunk..." I admit.
Tama siya. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayare ito. Hindi sapat na dahilan na nakainom ako para i-justify na n-nagcheat pa rin ako sa boyfriend ko.
Sa totoo lang ay maski ako ay hindi rin maintindihan kung ano ba talagang totoong nangyare sa akin noong gabing iyon.
Ang alam ko ay mababa lang ang alcohol ng alak na ininom namin noon, hindi rin ganon karame ang nainom ko pero bigla na lang nanlabo ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.
Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga palad ko at doon umiyak. Para akong sinasakal ng guilt na nararamdaman ko ngayon.
"I-I thougth I was with Wyatt that nigth. I-If only I know this would happen... I-I..." hindi ko na natuloy ang sinasabi dahil hindi ko na kinaya pa at napahagulgol na lang.
Tuluyang nagsilabasan ang mga sari-saring emosyon na nadarama ko. Naaawa ako sa sarili ko. Isa na akong maduming babae gaya ng ayaw ni Wyatt at baka hindi na rin matuloy ang kasal namin dahil sa nangyare.
Wyatt and I have been together for almost 3 f*****g years, our wedding date should have been our 3rd aniversary but look like it will never happen now. The future I have been dreaming since day one with the man whom I loved. All of it will ever happen now just because of a one nigth mistake...
Totoo nga ang sinabe ni Lola na ako ang magdurusa sa pag-ibig bilang kapalit sa pagtataksil ng ama ko sa aking ina. Nakakatawang isipin na ako ang nagdurusa ngayon kahit wala naman akong ginagawang masama. Ang akala ko ay may pagkakataon na rin akong maging masaya...
"What's happening here?"
Napahinto ako sa pag-iyak ng marinig ang papalapit na boses ni Wyatt. Pinilit kong punasan ang luha ko pero huli na ang lahat.
Nakatayo na siya sa harapan ko habang nakaukit sa gwapong mukha nito ang magkahalong pagtataka at pag-aalala.
"Amara. Bakit umiiyak ka? What happened?" nag-aalala niyang tanong niya at niyakap ako. Halatang wala itong kaide-ideya sa mga nangyayare ngayon.
I feel comfortable with his warmth. Hindi ko inakalang hindi ko na muli pang mararamdaman ang init nito ulit.
His comforting me without knowing what I did. I It makes me feel even more guilty.
Baka tuluyan niya na akong kamuhian pagkatapos ng lahat. Kung sakaling mangyare man kamuhian ako nito ay tatanggapin ko iyon ng lubos.
Mas kaya kong makita siyang magalit sa akin kesa ang makita siyang nasasaktan. Ganon ko mahal ang lalaking to.
"Wyatt..." pagtawag sa kaniya ni William.
Sandaling bumaba sa akin ang paningin nito. Madiin kong niyakap si Wyatt habang iniantay ang sasabihin rito ni William.
Muling bumalik kay Wyatt ang paningin nito. Bumuntong hininga siya. Hinanda ko na ang sariling mabisto pero natigilan ako sa mga sunod na sinabe nito na ikinagulat ko.
"It's nothing. I'm just telling her that I will give my blessing and suffort to the both of you... she suddenly feel emotional."
Nagulat ako sa sinabe nito. Hindi ko inakalang pagtatakpan niya ako. Ang akala ko ay tuluyan na nitong sasabihin kay Wyatt ang nangyare. Hindi niya ako nilaglag katulad ng inaakala kong gagawin niya.
"Mabuti pa at bumalik na tayo sa table natin. We should celebrate this lovely ocation."
Nagpatianod lang ako kay Wyatt nang hilahin niya ako. Nauna kaming maglakad papunta sa table na naka-asign sa VIP.
Sumunod sa amin si William pero hindi na ito muling naupo pa. "I have something important to attend to. Ma-iwan ko na kayo."
"This instant?" gulat na aniya ni Wyatt.
"Yes, it's an emergency. I will go now."
Bago siya umalis ng kuwarto ay kita ko ang panandaliang pagsulyap niya sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip nito dahil hindi ko makapa ang mga emosyon sa mata niya. Tahimik siyang umalis ng restaurant.
Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na siya. Pakiramdam ko ay wala ng balakid sa harapan ko dahil wala na ito.
Hindi ko alam kung anong rason niya kung bakit hindi niya sinabe kay Wyatt ang totoong nangyarre pero alam kong tulad ko ay ayaw niya lang rin na masaktan ang anak niya.
Pinilit kong lunukin ang mga pagkaing ibinigay niya. Sa totoo lang ay wala na akong gana dahil sa mga nangyare pero pinilit ko pa rin ang sariling kumain.
"I've already talk with our event organizer. Na ayos na ang lahat kaya wala na tayong iniintindihin pa," aniya. "Thanks to your ideas. Mas nakilala ako bilang rightfully heir ng business namin. It was all because of you." Pagtutukoy nito sa mga projects niya na ako gumawa.
Hinalikan niya ang pisngi ko. Pinatakan ito ng maliliit na halik hanggang sa bumaba iyon sa leeg ko, malamyos niya akong hinalikan roon.
"I can't wait to spend a night with you."
Bago pa tuluyang bumaba ulit ang halik nito ay pinatigil ko na siya. "S-Stop it, Wyatt."
Umungot ito. "Don't be shy, babe. Ilang araw na lang ay ikakasal na rin tayo sa wakas. Magagawa na natin ang mga bagay na matagal ko ng gustong gawin sa iyo..."
Bakas na bakas sa mga mata niya ang pagnanasa. Napabuntong hininga ako. I used to be excited to it just like him pero ngayon ay hindi ko na magawa pang ma-excite.
Natatakot ako na malaman ni Wyatt na hindi siya ang makakauna sa akin.
"P-Paano k-kapag nalaman mong hindi ikaw ang makakauna sa akin?"
Saglit na nangunot ang noo niya sa sinabe ko. "Ayoko sa babaeng natikman na nang iba. I hope you won't dissapoint me, Amara."
Napayuko ako sa sinabe niya. Alam kong may karanasan na rin si Wyatt pero para bang nandidiri ito kapag malamang hindi siya ang makakauna sa akin. Para rito ay magkaiba ang lalake at babae kaya hindi na ako nagtaka pa kung ganito siya.
Dumagdag lamang iyon sa bigat na nadarama ko. Hindi na ako birhin gaya ng iniisip niya. May nakauna na sa akin... Paniguradong madi-dissapoint siya.
Kahit na nakatira kami sa iisang bubong nito ay wala pa ring nangyayare sa amin. Naniniwala kasi ako sa marriage before s*x sadyang nadala lang talaga ako ng emosyon noong mga panahong 'yon kaya ako bumigay.
"We did you ask anyway?"
"W-Wala, napaisip lang ako. M-Mabuti pang kumain na tayo. Kumain ka na."
Wala rin siyang nagawa kundi magfocus na lang sa pagkain. Napuno ng katahimikan ang paligid. Kung para kay Wyatt ay isang normal na katahimikan lang iyon but for me it was different, it was a painful silence.