KANINA pa ako palakad lakad sa loob ng kuwarto, hindi mapakali at patingin-tingin sa cellphone na bigay sa akin ni Khalil, umaasang tatawag roon si Khalil at babalitaan ako tungkol kay Uncle William. Umalis si Khalil kaninang umaga lang para puntahan si Uncle William. Gusto ko sanang sumama pero hindi ako nito pinayagan dahil hanggang ngayon ay mapanganib pa rin na lumabas-labas ako. Wala tuloy akong choice kung 'di makipabati na lang dito sa bahay. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa pag-aalala. Kamusta naman kaya siya? Ayos naman siguro itong makakabalik 'di ba? Wala naman siguro itong putol na bahagi ng katawan o 'di kaya naman ay malalang sugat dahil sa encounter namin sa mga lalaking humahabol sa amin. Dalawang beses na itong nabaril kaya nag-aalala ako. Hindi ko rin alam kung bakit

