Denny's POV Masakit para sa akin ang nakaraan na iyon. Pero... sino ang mag-aakala na ang nangyayari ngayon ay may kinalaman pa rin sa nakaraang pilit kong kinakalimutan? Nagising na lang akong naroon pa rin sa sahig ng sala na iyon. Hindi ko namalayan na lumuluha pala ako kahit sa aking pagtulog. Nang pumunta ako sa harap ng salamin ay doon ko nakita ang pamumugto ng mga mata ko. Lalo pa akong napahikbi. For the first time, naawa ako sa sarili ko. Ngayon lang ulit ako naloko ng taong pinagkakatiwalaan ko. Walang humpay ang pag-agos ng luha ko sa mga oras na iyon. Wala na akong pakialam kung pangit na ang hitsura ko sa harap ng salamin. Bakit ganito? Bakit sa tuwing gusto ko nang magtiwala ay saka naman matatapat sa taong nilapitan lang ako para sa sarili niyang interes. Bakit ganito

