Denny's POV Padabog na inilapag ko ang isang kapirasong papel sa mesa ko sa aking kwarto at napasigaw sa sobrang inis. Iyon ang papel na pinagsulatan ni Mr. Duran— este— ni Mhieco ng address na dapat kong puntahan para makipagkita sa kanya. Napabuga ako ng hangin at nanlumo. "Pupunta ba ako?" tanong ko sa sarili ko. At saka napailing. "Hindi. Bakit naman ako pupunta? Talaga bang tinatanong ko 'to sa sarili ko ngayon?" Napatawa ako nang husto sa sarili ko. Matapos maubos ng tawa ko ay napasimangot ako. "Patunayan na totoo ang pag-ibig?" Napaismid ako. "Ano bang nasa isip niya? Nababaliw na ba siya? "Teka... bakit ko nga pala siya iniisip? Nababaliw na ba ako?" Napahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko at napasinghap. "Oo nga pala kailangan ko nang pumasok sa trabaho..." Tumayo na ako

