Mhieco's POV Naaalala ko ang araw na iyon. Umuulan at panaka-naka lamang ang mga tao sa paligid. Sa plaza kung saan nakita ko siya noon na umiiyak. Nang dahil doon ay wala akong ibang nakita kundi siya lang. Ni hindi ko napansin ang ibang komosyon na nangyari noong araw na iyon. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Habang umiiyak ang babaeng nakita ko sa may bench, siya namang pag-usbong ng ilang mga tao sa gawing kaliwa ng lugar na iyon. Hindi masyadong malinaw ang mga isinisigaw nila noong araw na iyon dahil mas nanaig sa tainga ko ang malalakas na patak ng ulan. Mas nakatuon ako sa kung paano lalong sinaksak ng matatalim na patak ang puso ng babaeng iyak nang iyak sa harapan ko. Lately, noong huling leave ko sa POEA, doon ko nadiskubre ang lahat. Habang nasa opisina ako ay a

