Denny's POV "Woman of Science!" sigaw ni Mhieco sa akin. Nakita ko siyang nanlilisik ang mga mata at papasugod na sa aking direksyon. Hindi na ako nakagalaw pa hanggang sa bigla niya akong hinaltak sa may palapulsuhan ko. Nakita ko sa malapitan ang magtagis ng kanyang mga bagang. Pakiramdam ko anumang oras ay kakahulan niya ako dahil sa kasalanan na hindi ko alam kung ano. Maya-maya ay kinaladkad na niya ako. Si Dr. Henry naman ay panay ang pagtawag sa akin pero hindi na iyon pinansin ni Mhieco at tuloy-tuloy ang pagkaladkad sa akin. Nakalayo na kami mula sa operating room. "Aray ko, Mhieco! Aray! Ano ba?!" Malakas kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at napatigil sa paglalakad. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos. Hindi ko na talaga siya maintindihan. "Ano bang problema mo? Can'

