CHAPTER 3

1109 Words
Pagkarating ni Erica sa Syudad ay agad niyang pinuntahan ang bahay ni Oliver. Mag gagabi na nang makarating ito kaya sigurado niyang nasa loob ng bahay ang lalaking hinahanap niya. Pinindot niya ang Doorbell nang paulit ulit pero walang lumalabas. "Ikaw na naman—" "Pusang gala!" usal niya dahil sa gulat nang biglang tumunog ang maliit na speaker. Na-ignorante pa siya at namangha rito. Tumingala siya at iginala ang paningin kung paano siya nakita ng binata. "H-hello? Naririnig mo ako—" "Malamang, umalis ka na nga." "Hoy! G*go panindigan mo ako!" sigaw ni Erica habang nakatingala at hinahanap ang Cctv. Hindi sumagot si Oliver at sumilip siya sa bintana kaya nakita niyang nandoon ang babaeng ikinama niya dati. "Buntis ako!" Nanlaki ang mga mata ni Oliver ng marinig niya si Erica mula sa kabilang linya. "Hoy lumabas ka diyan! Magpakalalaki kang hayop ka! Lumabas ka diyan!." Napamura ito nang mahina at hindi mapakali dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nagkunwari na lang siyang walang naririnig. Lumayo siya sa Intercom mic at binagsak ang sarili sa kama habang tulala. Sa pagkakataong ito ay marami ng gumugulo sa isip niya. "Sh*t" mahinang sabi niya. "Hoy! Lumabas ka diyan!" rinig niya sa speaker kaya pinatay niya ito. Pumikit siya hanggang sa hindi na niya namalayan nakatulog na pala siya. Samantala, si Erica naman na kanina pa sumisigaw ay nakaramdam na rin ng pagod. Labis ang galit niya sa Binata kaya pinakalma niya muna ang sarili niya, lalo na't nagdadalang tao ito. Umupo siya sa kalso at sumandal sa pader. Biglang nangilid ang mga luha niya dahil sa lungkot, normal lang naman kasi ang maging emosyonal ang mga buntis. Kahit kailan ay hindi niya na-imagine na nagmamakaawa siya sa lalaki gaya ng ginagawa niya ngayon. Pati langit ay nakisundo din sa nararamdaman niya dahil biglang umambon. Lalo siyang naiyak dahil naawa siya sa sarili niya dahil sa kalagayan niya ngayon. Naisip din niya ang magiging reaksyon ng mga magulang niya lalo pa't nag sinungaling pa itong nobyo niya ang nakabuntis sa kanya. Malapit ng dumilim at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Natarantang tumayo si Erica at nag hanap ng masisilungan, buti na lamang at may maliit ng bubong ang gate kaya dito siya sumilong. Papatayin kitang lalaki ka!' Galit niyang sabi sa utak niya. "hay! Sigurado akong wala na yun— k*ng ina!" nabiglang sabi ni Oliver ng masilip niya ang bintana at nakita niya doon ang dalaga. Napakamot ito sa sintido at nagdadalawang isip kung papa-pasukin ba niya ang dalaga o hayaan nalang niya doon na lamigin at kusang umalis, kaso biglang sumagi sa isip niya na buntis ito at siya ata ang ama. Hindi pa siya kumbinsido kanina na siya ang Ama pero naisip niyang siya ang naka-una dito, ang pruweba ay ang bedsheet na may dugo. Bumaba si Oliver at pumunta ng sala, kumuha siya ng payong saka lumabas ng bahay. Nahinto ito nang marinig niya ang hagulgol ng dalaga mula sa labas ng gate. Napailing siya saka niya binuksan ang gate. "Umuwi ka na!" sigaw ni Oliver at nilingon naman siya ni Erica. "Panagutan mo ako!" sigaw naman ni Erica habang umiiyak. "Halika nga!" hinila ni Oliver ang dalaga papasok ng bahay niya, saka niya binalikan ang gate para isara ito. Nakatayo lang si Erica sa gilid habang yakap yakap ang sarili. Hinagis sa kanya ni Oliver ang isang tuyong towel, hindi pa naman siya masyadong basa, natalsikan lang siya ng ulan. "Umupo ka." walang ganang utos ni Oliver saka siya dumiretso sa kusina. Habang nag titimpla siya ng Kape ay panay ang silip niya sa dalagang umiiyak, naghalong inis at awa ang nararamdaman niya. "Panagutan mo ako." salubong sa kanya ni Erica nang makarating ang binata sa Sala, inabot niya sa kanya ang Kape, pero inilayo ni Erica ang ulo niya dahil hindi niya nagustuhan ang amoy nito. Bigla siyang naduwal. "Halla? Bakit?" takang tanong ni Oliver "'Wa- wa- 'wag diyan! Dito!" kinuha niya ang dalaga saka niya ipinunta sa kusina, diretso sa lababo. Mahinang napamura si Oliver. "Ipalaglag mo 'yan." walang ganang sabi ni Oliver saka bumalik sa sala. Bumagsak naman ang dalawang balikat ni Erica at lumabas ang itim na awra niya dahil sa narinig. Mabilis niyang sinundan si Oliver. "Ipalaglag!? Alam mo ba yang sinasabi mo?! Ba't ko papatayin 'tung anak ko!?" "Dugo pa yan! Hindi pa buo yan kaya habang mas maaga ipalaglag mo na." Tumulo ang mga luha ni Erica at hindi makapaniwala sa kasamaan ng ugali ni Oliver. "Ang sama sama mo! Wala kang kwentang tao!" "Hindi rin naman ako magiging mabuting Ama diyan!" turo niya sa tiyan ni Erica "Kawawa lang yan—" "Nangako ka!" "Kalimutan mo na 'yon— teka mag hintay ka diyan." paalam nito saka siya umakyat sa hagdan. Napaupo naman si Erica sa Sofa at pilit na pinapakalma ang sarili. Pagbalik ni Oliver ay dala na niya ang cheque at isang ballpen. "Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ni Oliver. Umakyat sa ulo ni Erica ang galit kaya huminga ito ng malalim. "Tatlong milyon." "Tch!" singhal ng binata at bahagyang natawa, napailing ito habang tinanggal ang takip ng ballpen niya "Tatlong milyon? Pineperahan mo lang pala ako e! Paano naman ako nakakasiguro na buntis ka nga huh?" Nilabas ni Erica ang Pregnancy test sa kanyang sling bag saka niya ito ipinakita kay Oliver. "Sa tingin mo ba nang i-imbento akong gag* ka?" "Whatever, tutal mukha namang pera, ok." nagsulat siya sa cheque niya "Oh tatlong milyon, malinis." inabot niya kay Erica ang cheque. Ngumisi ang dalaga at pinag pupunit ang cheque sabay tapon sa mukha ni Oliver na nabigla sa ikinilos ng dalaga. "Ha!" singhal nito "Ano ba talagang kailangan mo?" "Hindi ko ipagpapalit ang anak ko sa pera ng walang kwenta niyang Ama! Kung hindi mo kayang panagutan ang Anak ko, makipag usap ka sa magulang ko." "Eh paano kung ayoko?—" Nahinto sa pagsasalita si Oliver nang hawakan siya sa kwelyo ng dalaga. "Pag naipanganak ko 'tong anak ko, ni anino hindi mo siya makikita! Ito ang tatandaan mong hangal ka! Wala kang kwentang lalaki!" mariin na tugon ni Erica saka niya itinulak si Oliver. "Kahit anong sabihin mo, hindi ako magiging Ama diyan sa anak mo—" "Yan! 'Yan mismo ang sabihin mo sa Papa ko! Tingnan ko lang kung sisikatan ka pa ng araw!" "Tinatakot mo ba ako?" natatawang tanong ni Oliver at nag aangas pa ito. "Hindi kita tinatakot" nag punas ng luha si Erica "Matakot ka pag nagkita na talaga kayo!" Padabog na umalis si Erica sa palabas ng bahay. Si Oliver naman ay naiwang nakatulala saka hinatid nang tingin ang dalaga paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD