"Ginawa namin lahat ng makakaya namin" umiling ang Doctor. "I'm sorry pero hindi na namin naligtas ang bata sa sinapupunan niya." Napabuga sa hangin si Oliver at parang huminto ang mundo at pag hinga nito. Bumagal ang pintig ng puso niya at para bang nabingi siya sa sinabi ng Doctor. Sa madaling salita ay hindi niya maintindihan kung anong sakit ang nararamdaman niya gaya na lang ng naramdaman ng Asawa niya bago ito makunan. Umakyat ang galit nito kung kaya't hinawakan niya ang kwelyo ng doctor "Kung nagawa mo na ang lahat bakit nawalan ako ng Anak!?" sigaw nito at mabilis siyang inawat ni Athena. Kahit na umiiyak na siya ay nahiya pa rin siya sa ginawa ng anak niya lalo pa't babae ang doctor na kwenelyuhan niya. Hindi nakasalita ang Doctor at natakot din sa biglang ginawa ni Oliver ngu

