"Tita, Good Morning po." bati ni Erica kay Athena bago niya buksan ang Gate. "Good morning Erica, Mommy na lang din ok?." "Eh? O-ok po m-mommy" nahihiyang sagot ni Erica. "Nandyan pa ba ang asawa mo?" Sa halip na sumagot ay napakagat labi si Erica nang makita niya ang Langka at Mangga. Namamangha niya itong pinagmasdan. Napansin naman iyon ni Athena kaya napangiti ito. "Tara na sa loob" aya ni Athena. Si Athena ang nag balat ng mangga at siya narin ang bumiyak sa langka kahit hindi niya nagustuhan ang amoy ay hindi niya ito pinahalata sa buntis dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ngayon ng manugang niya. Natutuwang pinanood lang siya ni Erica. "What the f*ck!" Agad na napaatras si Oliver na papasok sana ng kusina laso biglang naamoy niya ang Langka. "What is that, Mom!? Ang baho!

