Panay katok si Rickson sa pinto na animo'y gigibain na nito. Naka-lock kasi hindi niya mabuksan. "Open the god damn door, Elsie!" gigil niyang sigaw mula sa labas. Alam kong nag-alburuto na siya sa inis dahil kanina pa ito nagpumilit na pumasok siya sa kuwarto. Hindi ko siya pinagbuksan. Para naman akong walang narinig dahil nakatalukbong lang ako ng kumot sa kama. Dinaramdam ko ang sagutan namin kanina sa harapan ni Dexie. I couldn't really believe na mas naniwala siya sa kasinungalingan ni Dexie kay sa akin. I'm his wife dapat sa akin siya maniwala pero sa pinapakita niyang reaksyon, mas pinapanigan niya pa ang higad na 'yun! Kung sana may CCTV lang sa bahay niya. Malalaman niya agad na tama ako pero dahil hindi nilagyan ni Rickson ng CCTV ang loob ng bahay, tanging sa labas lang

