"Umalis na kayo rito sa pamamahay ng magulang ko. Wala kayong karapatan para tumira dito dahil hindi kayo ang naghirap sa lahat ng ito!" bungad ko sa mag-inang Serrano nang pumunta ako ng Siyudad at sinugod ko sila sa mismong bahay namin kung saan dito ako tumira noong bata pa lang ako. Everything in this house was so familiar to me. Kung hindi lang nagkaroon ng kabit si Daddy at hindi lang niya pinatira ang anak niya sa labas baka dito pa ako lumaki, hindi sa ibang bansa. "Sino'ng may sabi sa'yo na bumalik ka rito, iha? I told you you're not allowed to come here," striktang turan ni Rosalina. "This is my house. Hindi ito sa inyo kaya lumayas kayo rito!" I said angrily. Pagkatapos ng usapan namin ni Rickson na maghiwalay na kami at aasikasuhin niya ang annulment paper naming dalawa a

