"Your honor, hindi ako ang pumatay na pagbintangan lang ako. Hindi porket nandiyan ang panyo ko sa bahay noong biktima ako na ang pumatay! Hiniram niya lang 'yun sa akin dahil best friend ko siya. Minsan pumupunta ako sa bahay nila para mag-bonding kami ni Laurencia." Tinitigan ko ng maigi ang babaeng magkasing tangkad ko lang at may posas pa ang kamay. Panay tango lang ako at ngumisi. Tinaas ko ang kamay at agad pinakita sa monitor ang iba pang ebedensiya na nakuha sa bahay ng biktima. "Noong araw na 'yun bumisita ka sa bahay ni Laurencia. Gusto mo siyang sugurin dahil pumatol siya sa jowa mo. Hindi pa ba sapat ang mga naiwang footprints ng iyong sapatos sa garage nila dahil sa araw na iyon umuulan at iyang suot mong sapatos ang nagpapatunay na ikaw ang salarin, hindi lang panyo ang na

