DAHIL SA GINAWANG paghalik sa akin ni Onyx ay naiilang ako lalo dito at nahihiya kaya naman umiiwas ako sa binata.Pag tumatambay ito sa pwesto ko ay sinusungitan ko o kaya naman ay nakasimangot ako dito.Wapakels naman ang huli at mukha ngang siyang-siya pa sa nagiging reaksyon ko.Samantalang ako mamatay-matay na sa sobrang pagkailang at pagiging hindi komportable lalo na pag tahasan ko nahuhuli ang paninitig nito sa akin na hindi alintana kung mahuli ko man at irapan.
"Magandang umaga My Peanut!"
Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na pamilyar na boses.Agad kong sinimangutan si Onyx na ngiting-ngiti.
"Walang maganda sa umaga kung ikaw lang rin ang babati!"nakabusangot kong saad dito.
"Awts naman My Peanut wala pa nga ako ginagawa eh nagagalit ka na agad dyan at ang sungit.Kalma ka lang yayayain lang naman kita sana eh!"saad ni Onyx sa akin na ikinakunot ng noo ko dahil sa huling sinabi nito.
"At saan naman aber?Hindi mo ba nakikita busy ako sa pagtitinda ko,"
Masungit na bulalas ko kay Onyx na napakamot sa may ulo bago ngumiti sa akin at nagsalita.
"Sa isang party.Don't worry bibilhin ko na itong paninda mo para hindi ka malugi ngayon araw samahan mo lang ako mamaya.Please.."
"Bakit kasi ako pa ang yayayain mo?Wala ka bang ibang babae dyan?Naku ikaw na kulugo ka sinasabi ko sayo sasamain ka sa akin!"
"Eto naman kalma ka lang wala akong ibang babae.Ikaw lang sapat na My Peanut!"
Nakangisi saad ni Onyx sa akin at may pagkindat pa ang gago.As if naman madadala ako sa pagano'n noh.Hindi kaya! Weh talaga ba Sienna?singit ng kontrabida kong inner goddess, kaya naman iniling ko ang ulo para mawala sa isipan yun.
"Hindi ka naman basketball player pero ang galing mo mambola na kulugo ka!Wag nga ako Onyx.Humanap ka na lang ng iba dyan!"
"Grabe ka naman My Peanut, hindi kaya kita binobola lang.Please pumayag ka na. Doblehin ko ang bayad sa tinda mo ngayon.Ano deal?"
Napaisip ako sa sinabi ni Onyx.Aba tiba-tiba ako kung sakali.Pwede na rin.Mag-iinarte pa ba ako eh grasya na ang lumalapit.Sabi nga nila masamang tumanggi sa grasya noh!
"Okay deal!Saan ba 'yon at anong susuotin?" pagtatanong ko sa binata ng tungkol sa sinasabi nitong party.
"Ako na bahala.Bumalik ka dito mamaya 3 pm para sa susuotin mo.Hintayin kita dito sa pwesto mo."
"Okay sige."pagsang-ayon ko kay Onyx sa sinabi nito.Ngumiti naman ang huli.Nilahad ko rin ang kamay ko dito para kunin ang bayad."Akina na ang bayad mo baka mamaya niyan i-scam mo pa ako.Mahirap na!"aniya ko pa dito na nakalahad pa rin ang kamay.
"Sigurista ka talaga My Peanut huh!"
Natatawang saad ni Onyx bago nilabas ang wallet nito.
"Naman!Business is business noh!Mahirap ng maisahan mo.Sayang rin ang grasya!"
Nakangisi kong balik sagot dito habang nakahalukipkip sa harapan nito.Napaayos ako ng tayo ng iabot sa akin ni Onyx ang tatlong libo.Nagningning ang mata ko dahil labis-labis ang binigay nito.Agad kong inabot 'yon at inilagay sa bag ko.
"So see you later My Peanut!"saad ni Onyx na tinanguan ko lang.Tumalikod na ito kaya ngumiti ako pero napalis rin agad ng humarap ito muli at nagkakamot sa ulo na nagsalita sa akin."Can I get your number, My Peanut?"alangan nito pagtatanong sa akin.
"Sure, akina ang phone mo i-save ko ang numero ko dyan."
Mabilis naman iniabot sa akinng binata ang mamahaling selpon nito.Itinype ko rin naman ang number ko doon pagka unlock nito sa selpon.Iniabot ko muli.kay Onyx ang selpon nito at nagpipindot naman ito agad doon at hindi nga nagtagal ay tumunog ang sarili kong selpon.
"That's my number, My Peanut.Just saved it!"
Salita pa ni Onyx ng tingnan ko na ang selpon ko.
"Okay!"
Sinave ko nga ang number ng binata.Kulugo ang nilagay kong name sa numero nito. Paalis na sana ito ng tawagin ko at inabutan ng mani at siopao at syempre sinamahan ko na ng panulak noh para hindi naman nakakahiya baka mamaya niyan mabilaukan pa ito.
"Thank you My peanut.So see you later."
"Okay,"
Tanging sagot ko dito at mabilis ang kilos na inayos na ang paninda at gamit.Naglagay rin ako sa ilang supot ng siopao at mani pati palamig na balak kong ibigay sa mga batang kalye na lagi kong nadadaan tuwing nagtitinda na ako.Minsan kasi kahit mahirap ka lang hindi 'yon hadlang para tumulong ka kahit konti sa kapwa.Mas masarap 'yon ikaw ang nagbibigay ng walang kapalit at bukal sa kalooban.Naniniwala kasi ako na pag mabuti ka sa kapwa mo ay pinagpapala ng poong maykapal.Piliin parati ang maging mabuti sa ibang tao as long as kaya mong tumulong.
"Salamat po ate ganda!"
Napangiti ako sa mga bata ng magpasalamat sa munti kong binigay na pagkain.
"Walang anuman."aniya ko sa mga ito bago umalis at dumiretso na ng uwi sa bahay.
Pagkarating ko naman sa bahay ay nagtaka pa ang mga kapagid ko kasi ang aga ko.Sinabi ko na lang na may lakad ako mamaya kaya maaga umuwi.May dala rin ako konting grocery kaya ayon tuwang-tuwa ang mga kapatid ko.Pag ganitong nakikita ko na masaya ang mga kapatid ko na sa konting nabibigay ko at simple ay masaya sila ay para akin ay masaya na rin ako at mas lalo pa na namomotivate na magsumikap pa lalo para sa pangarap. Pangarap na sana bago ako umabot ng thirties or forties ay matupad ko kahit gaano pa kahirap ang buhay.Ang magkaroon ng sariling negosyo na Coffee Shop someday!
Sumapit ang hapon at wala pang alas tres ay umalis na ako sa amin.Naligo rin muna ako at ni isang kolorete sa mukha ay wala. Tamang polbo na lang at konting pasirit ng mumurahing pabango.Nagbilin rin ako sa mga kapatid ko na sabihin kila Nanay na may pinuntahan lang ako.
Saktong dating ko sa pwesto ko sa pagtitinda ay siya naman paghinto ng isang sports car na kulay black at bumusina pa ito bago bumaba ang salamin sa may tapat ng driver's seat.Nakangiting mukha ni Onyx ang nabungaran ko.
"Hop in, My Peanut."aniya pa nito sa akin kaya kumilos agad ako at sumakay sa sasakyan nito sa may unahan ng ituro nito na doon ako maupo.Pagkasarado ko ng pintuan ay nagulat pa ako ng biglang lumapit sa akin si Onyx na konting galaw ko lang ay mahahalikan ko na ito sa labi.
"A-anong..G-gagawin mo?"
Nautal ko pa na bulalas dito at halos dumagundong na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkalabog nito sa pagtibok.
"Relax My Peanut ikakabit ko lang ang seatbelt mo.You know safety first."
Halos napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang mainit at mabangong hininga nito ng magsalita.Pigil ko rin ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit nito sa akin.Nanuot rin sa ilong ko ang humahalimuyak na pabango ng binata na napaka manly at hindi masakit sa ilong.
"Open your eyes My Peanut kung ayaw mong halikan kita.I swear you're tempting me to kiss you right now!"
Sa narinig ko kay Onyx ay mabilis na napadilat ako ng mata para lamang masalubong ang namumungay nito mata na matiim na nakatitig sa akin partikular na sa labi ko.Napalunok rin ito bago umayos na ng upo at binuhay muli ang makina ng sasakyan at pinaandar.Saka lang ako nakahinga ng maluwag at ibinaling sa iba ang tingin. Tahimik kami pumasok sa subdivision na iyon kaya napakunot noo ako.Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon ko na makapasok sa sosyaling subdivision.
"S-saan tayo Onyx?"
Hindi ko na natiis na hindi mag-usisa sa binata na nakatutok lang ang mga mata sa daan.
"Sa bahay ko!"aniya naman nito na ikinalaki ng mata ko.
"S-sa b-bahay m-mo?M-may bahay ka na?"
Utal-utal na saad ko sa binata at titig na titig dito na para bang nag-aantay sa isasagot nito.
"Yup!"
Simpleng sagot nito kaya tumahimik na lang ako at nagmasid na lang sa labas ng bintana ng sasakyan.Naglalakihang ang mga bahay
dito na talagang masasabi mong may kaya sa buhay ang mga nakatira.Ang lawak rin ng subdivision na iyon.Nakakamangha at kay sarap pagmasdan.Hindi ko maiwasang mangarap na naman na sana balang araw ay maitira ko sa ganitong karangyang bahay at lugar ang pamilya ko.Libre lang naman ang mangarap eh kaya sige lang ng sige sa mga pangarap.Dahil sa paglalakbay ng isipan ay hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa paroroonan.Saka ko lang napansin na nakahinto na ang sasakyan ng dumukwang na naman palapit sa akin ang binata at ito na ang nagkalas ng seatbelt ko bago bumulong sa tenga ko.
"We're here, My Peanut!"
Malambing na bulong ni Onyx sa tenga ko na naging dahilan para makiliti ako at taasan ng balahibo sa batok.Nilingon ko si Onyx na sinalubong naman agad ako ng mga labi nito at mapusok na sakupin ng malambot at mainit nitong labi ang labi ko.Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil doon at hindi agad nakahuma lalo na ng sapuhin pa nito ang batok ko at mapusok na gumalaw ang mga labi nito sa labi ko.Habol ang hininga ko habang humahalik pa rin si Onyx sa akin. Nanigas rin ako sa kinauupuan pero ng palalimin pa ng binata ang halik ay may munting ungol na kumawala sa akin habang nakapikit ang mata ng hindi ko namamalayan.
"f**k!"
Napadilat ako ng mata ng marinig ang malutong na mura ng binata habang titig na titig sa akin.Nakaawang rin ang labi nito na namamasa pa same as sa akin na habol ko pa rin ang paghinga.Agad ang pagkalat ng hiya at pag-iinit sa buong mukha ko ng mapagtanto ang halikan naganap sa pagitan namin at ang pag-ungol ko ng bahagya na nakakahiya!My ghad self traydor ka!
"I'm not gonna say sorry for kissing you My Peanut.It's tempting me to kiss you to taste it.So I did!"
Habol ang hiningang sambit ni Onyx habang ang hinlalaking daliri nito ay nahaplos sa ibabang labi ko na nakaawang ng bahagya. Natahimik lang rin ako dahil hindi ko alam ang sasabihin pabalik sa binata.Hinayaan ko rin naman siya halikan ako at ni hindi man lang ako tumutol!Oh god what's happening to me!Sienna anong nangyayari na sayo! Mabilis rin ang pagtibok ng puso ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.Hindi kaya nahuhulog na ako kay Onyx?Oh no!Hindi pwede!
"Hey My Peanut talk to me?"
"H-hindi..k-ko..a-alam..a-ang..s-sasabihin..
sayo..O-Onyx!
Gusto kong batukan ang sarili dahil sa pagkautal sa pagsasalita.Nag-baba rin ako ng tingin sa kandungan ko dahil hindi ko makayanan na salubungin ang mga titig ng binata.Iniangat naman ni Onyx ang mukha ko gamit ang kamay nito at marahang pinisil ang baba ko.Nakakailang sobra!
"It's okay.Let's go baka hindi pa ako makapagpigil maangkin pa kita dito ngayon din mismo!"
Napasinghap ako sa sinabi ng binata at lalo pang kinabahan.Napaka bulgar!Lumakas lalo ang kalabog ng dibdib ko.Nauna ng bumaba si Onyx at sinundan ko lang ito ng tingin na gumawi sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.
"S-Salamat,"
Saad ko dito ng makababa.Ngumiti lang ito sa akin at iginiya na ako papasok sa bahay nito.Namangha ako sa ganda ng bahay nito.Hindi masyado malaki pero tama lang para sa isang pamilya.Automatic rin ang pagsasara ng gate at hindi lang iyon ang sosyal ng pintuan naka finger code pa!Jusko nangangain ng tangâ ata itong pinto! Napangiwi ako sa naisip bago sumunod na sa binata papasok sa loob.
"Have a seat, My Peanut.Gusto mo ba ng maiinom?"
Umiling ako kay Onyx ng alukin ako nito. Tumango naman ang huli bago nagpaalam na kukunin lang nito sa kwarto ang susuotin ko daw na damit.Naupo nga ako sa magarang sofa at inilibot ang paningin sa paligid.Wala masyado naka display na gamit at saka isa pa mukhang bagong gawa lamang itong bahay.Ilang babae na kaya ang nadala dito ng kulugong iyon?Pang-ilan kaya ako?hindi ko maiwasang hindi maisip iyon pero napangiwi rin ng maisip na bakit ko nga ba aalamin pa eh wala naman silang relasyon ng binata.Ipinilig-pilig ko ang ulo para mawala sa isipan ko iyon.
Hindi naman nagtagal ay bumalik na muli si Onyx na may dalang isang malaking box na kulay itim.Iniabot sa akin 'yon na agad ko naman binuksan para tingnan ang laman. Kumpleto na iyon mula sa dresa hanggang sa sapin para sa paa.May set din ng alahas.
Sinabi naman ng binata na doon na ako mag-stay dahil before mag-six raw kami aalis.Balak pa sana nito na papuntahin ang kilala nitong makeup artist at hairstylist pinigilan ko lang dahil hindi naman na kailangan at saka hindi ako fan ng mga may kolorete sa mukha.Polbo lang sapat na!