“I... I accidentally ran to him earlier. Hindi ko sinadyang makipag-usap sa kaniya,” paliwanag ni Mia. Tiningnan lamang siya ng asawa niya habang nakatuon ang tingin nito sa daan. “I didn’t ask you, hindi mo na kailangang magpaliwanag,” sagot nito. “Iniiwasan ko lang na magka-misunderstanding tayo,” tipid niyang wika. Rogue heaved a deep sigh. “Next week, anniversary na ng lolo at lola ko. Aalis tayo, ako na ang bahalang kumausap sa school mo para ma-excuse ka nang ilang araw,” saad nito. Tumango naman si Mia kahit hindi ito nakikita ni Rogue. “Aalis na rin ang parents mo bukas. Nakapag-usap na rin kami ng kaibigan kong doctor sa ibang bansa. Ihahatid sila ng private plane ko. I already fixed everything para hindi sila mahirapan doon. Bibisitahin din natin ang anak natin kung may spa

