“Paano kapag nalaman niyang anak niya si Miro? Mia, sa tingin ko mas makabubuting sabihin mo na sa kaniya ang totoo. Alam mo naman ang magkakaiibigang ‘yon ‘di ba? Masiyado silang maimpluwensiya. Kapag nalaman pa niya sa iba ang totoo baka ilayo pa niya si Miro sa inyo,” saad ni Adriana. “No, hindi puwede. Si Miro na lang ang dahilan kaya nabubuhay ako,” mabilis niyang sagot. “Huwag mo ng hintaying maging komplikado ang lahat, Mia. Kaibigan kita at alam kong hindi madali ang sitwasiyon mo ngayon.” “Nagpapatong-patong na kasi ang lahat eh. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Nag-iisip din ako ng paraan para matulungan si daddy sa kompanya,” aniya. “Kung patusin mo na lang kaya ang deal ni, Rogue? Siguraduhin mo lang na papayag kayo pareho sa mga terms and conditions niyo bago kayo ma

