Lumabas na ng kuwarto si Rogue matapos niyang alagaan saglit ang asawa. Tulog na tulog ito. He kissed her forehead bago lumabas. Bumaba siya at kaagad na nakita ang grandparents niya. “Stan,” sambit ng grandma niya. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. “I’m glad you’re here. Kasama mo ba ang asawa mo? Nasaan na siya?” tanong nito. “She’s in my room. Napagod po sa biyahe,” sagot niya rito. “I already instructed Koring to cook your favorites,” sabat ng lolo niya na kalalabas lang ng kusina. Dumeritso pala ito roon. “Thanks grandpa,” aniya rito. “Sir, gusto raw po kayong makausap ni, Sir Hanz. Mukhang tungkol po sa event bukas,” saad ng katulong. “Rogue, I have to go. Sobrang busy ng araw na ‘to. Extend my greetings to your wife,” saad ng lolo niya. Tumango naman siya. “And you

