Sign Ibinaba ako sa harap ng Ambrosio Tower kung nasaan ang penthouse ni Poseidon. Lakad-takbo ang ginawa ko papasok at napansin ko pa na pinagtitinginan ako ng mga naroon. Papunta na ako sa sulok kung nasaan ang elevator na para sa mga VIP nang may humarang sa daan ko, galing sa gilid. Binagalan ko ang lakad para hindi kami magkabangga. "Good morning. Nasa penthouse niya ba si Poseidon?" narinig ko ang mahinhin niyang boses. Kumunot ang noo ko nang marinig ang binanggit niyang pangalan at tuluyan ng napahinto saka siya pinagmasdan na kinakausap ang empleyado na malapit sa elevator. Napangiti ang staff at bahagyang yumuko sa babae. "Opo, Ma'am, Persephone. Medyo kanina pa. Bibisita po pala kayo ulit!" Napahakbang ako nang isa para mas mapagmasdan siya. Kilala niya si Poseidon? Napali

