Parents Wala na akong kinuha sa mansion na tinitirahan ni Leonora. Ang sabi ni Poseidon ay siya na ang bahala sa mga kailangan ko. Kahit siya ay wala rin ibang dala kung hindi wallet at cellphone lang niya pati ang kotse na kaniyang minamaneho. Diretso na kami sa airport. Kumain muna kami bago ang flight at nang pumunta na kami sa eroplano ay napagtanto ko na ginamit nga talaga niya ang koneksyon sa kaibigan niya na si Zeus. Hindi na kami dumaan sa mahahabang proseso. May sumalubong lang sa amin at inescort kami papuntang eroplano. Sabi ni Poseidon ay may-ari daw ng airline ang pamilya ni Zeus. "Are you hungry?" mahinang tanong sa akin ni Poseidon habang nasa eroplano na kami. Natatawa akong umiling. "Kakakain lang kaya natin!" Ngumiti siya nang bahagya at hinaplos niya ang pisngi ko.

