Truth Bago tuluyang lumubog ang araw ay sinundo na si Azul para umuwi sa kanila. Ang mga mata niya ay malulungkot muli kahit ipilit niyang gawing seryoso ang mukha. Mabigat man ang loob ko ay nakangiti na kinawayan ko siya bilang paalam. Tipid na ngiti lang ang isinukli niya. Nakabukas ang bintana ng sasakyan na sumundo sa kaniya kaya nakita ko kung paanong hindi niya ako nilubayan ng tingin hanggang sa nakalayo na sila nang tuluyan. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Paglingon ko sa tabi ko ay si Ma'am Leonora ang nakita ko na titig na titig sa akin. "Bakit, Ma'am?" tanong ko. Seryoso lang ang mukha niya nang nagsalita siya. "Ano'ng tingin mo kay Azul?" "Batang super bait, talino, at behave." Dahan-dahan siyang tumango. "Napamahal ka na ba sa kaniya?" Hindi ko napigilan mapan

