Writings Napahawak ako sa dibdib ko habang titig na titig sa litrato. Ang puso ko ay parang kakawala na sa lakas ng kalabog nito. Akong-ako ang nasa pictures, hindi ako magkakamali dahil lagi kong tinititigan ang sarili ko sa salamin. Paanong... Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ang mga mata niya ay namumula at may namumuong luha, halong sakit at pagmamakaawa ang naroon. Tila piniga ang puso ko sa hitsura niya. "Did I do something wrong, baby?" nabasag ang boses niya sa huling salita. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Agad kong tinikom ang mga labi para pigilin ang hikbi. "Paanong..." Napapikit ako at napailing sa pagkalito. Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko. "Susubukan mo pa rin bang itanggi? How will you explain this then, huh?" Nagmulat ako at tinignan ang mga pinakita niya

