Juice Napangiwi ako habang padabog na naglalakad papasok si Ma'am Leonora sa mansion na tinitirahan namin at ako naman ay nakasunod sa kaniya. Ibinato niya ang kaniyang purse sa isa sa mga upuan saka pabagsak na umupo. Ibinaba ko ang mga bag namin sa gitna ng sala saka siya tinignan. Nakasimangot pa rin siya nang ituro ako. "Maghanda ka nga ng basin at lagyan mo ng maligamgam na tubig tsaka fragrance at kung anu-ano pa," aniya. Tumango ako at agad sumunod. Tumungo ako sa kusina at doon naabutan ang isa sa mga katrabaho ko rito. "Badtrip si Ma'am?" pabulong niyang tanong. Tumango ako. "Oo. Magiging leon na naman si Leonora," saad ko at mahinang tumawa. "Dessa!" narinig ko ang malakas niyang sigaw mula sa sala. "Bilisan mo!" Natataranta na bumalik sa trabaho niya ang kasamahan ko. Ako

