ILANG hakbang na lang at mararating na ni Orange ang kanto papunta sa kanilang bahay. Gusto niyang matahimik at kahit saglit ay huminto ang kaniyang utak sa pag-iisip. She wanted peace and all she could imagine was herself being at home. “Tash!” Hindi siya lumingon at sa halip ay binilisan ang kaniyang mga hakbang. Si Clifford lang ang tumatawag ng ganoon sa kaniya at hindi niya ito gustong makita sa mga oras na iyon. “Tash, wait!” Halos tumakbo na siya pero mabilis si Clifford at inabutan siya nito. “Ikaw na naman! Bakit ba?!” sigaw niya rito nang hablutin ng lalaki ang kaniyang braso. “Bakit ka ba takbo nang takbo?!” “Huwag mo na ‘kong lapitan, Clifford! Please lang! Lalo lang gumulo ang buhay ko nang umeksena ka eh!” Nabahahiran ng sakit ang mukha ng lalaki. “Gusto lang naman kit

