NANG dumating ang walong dagdag na tao para mag-serve ay pinabalik na ni Chef Jhune sa kusina ang mga babae. Maghahabol pa raw ng dalawang putahe; request daw ng isang kaibigan ni Mrs. dela Peña na interesado ring magpa-cater. Nakita niyang bahagyang nainis ang master chef dahil hindi naman iyon kasali sa tasks nito para sa gabing iyon. Ang sabi ni Yesha ay dapat na mag-schedule ng taste test ang isang prospective client pero dahil pasaway ang mama ni Carlo, ipinakiusap na lang ni Madam Elena iyon sa grupo. “Bakit ka umiiyak diyan, Yssel?” Hindi agad nilingon ni Orange ang sino mang nagtatanong na iyon. Huli na para maalala niyang siya nga pala si Yssel sa pagkakaalam ni Yesha. “Hoy, namatanda ka ba!” Bumaling siya rito at apologetic na nagsalita. “Pasensiya na. Mahina talaga ang tol

