TOTOO ang sinasabi ni Clifford na maayos ang tinutuluyan nito kahit maliit. Kung tutuusin ay isang malaking kuwarto nga lang iyon na nilagyan ng mga dibisyon para magkaroon ng silid at kusina. Pero ang silid ng lalaki ay maayos. Homey ang dating kahit kulay asul na matingkad ang bed sheet at murang asul naman ang kumot na maayos na nakatupi sa ibabaw ng unan nito. Venetian blinds ang nasa bintana, marahil ay dating salas ang bahaging iyon ng bahay. “Diyan ka na sa kama, doon naman ako sa kabila.” Ang tinutukoy ng lalaki ay ang mababang sofa na walang kahit anong foam. Sa tingin pa lang ay matigas na ang bangkitong yari sa sala- salang kawayan. “Mahihirapan ka, Cliff. Dapat ay dito ka—” “No, Tash, it’s okay. Ako itong lalaki kaya walang problema.” “Are you sure?” Ngumiti ito at saka tu

