Katok sa Pinto

339 Words
Nakakain na ulit ako ng dalawang lollipops pero hindi mawala ang gutom ko. Naalala ko nga pala na nag-skip ako ng lunch kanina kaya gutom na gutom ako ngayon. Narinig ko ang pag-splash ng tubig sa swimming pool sa baba kaya hinawi ko ang kurtina sa aking bintana saka ako dahan-dahang sumilip. Kita ko ang pag-angat ng ulo ni Tito Gardo sa tubig sa liwanag ng spotlight na nakatutok sa pool habang nakatayo naman sa diving board si Tito Anton na aktong magda-dive. Naka-swimming trunks lang si Tito Anton at kita ang matambok niyang puwet at ang ganda ng kaniyang katawan na nakabukol ang mga muscles sa kung saan nararapat. Pagdive ni Tito Anton saka ako mabilis na lumabas ng aking kwarto. Pagkakataon ko na ito para pumunta ng kusina nang hindi nila ako makikita. Kung kakain ako ng kanin at ulam na niluto ni Manang Aida, siguradong magtatagal ako kaya minabuti kong kumuha na lang ng mansanas, saging at tubig saka muling bumalik sa aking silid. Pagkaubos ko ng pagkain, nagpatay na ako ng ilaw saka nahiga sa aking kama. Dinig ko sa labas ang tunog ng tubig sa pool at mga kwentuhan nina Tito Gardo at Tito Anton. Natukso akong lumapit sa bintana pero hindi ko naman mawawaan ang kanilang pinag-uusapan. Gosh! Tungkol kaya sa akin? Ikinukwento na kaya ni Tito Anton ang nasaksihan niyang ginawa ko sa aking sarili kanina habang nakahiga at nakabukaka sa lounge chair? Nahiga ako ulit saka nagtakip ng unan sa mukha. Nagpa-iba-iba na ako ng position ng higa sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Ilang minuto pa ang nagdaan nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng aking silid. Bigla akong nag-panic. Parang umakyat ang puso ko sa aking lalamunan at nahihirapan akong huminga. Gosh! Anong gagawin ko? Pagbubuksan ko ba? Nananantiya at marahan ang mga katok. Mukhang nagdadalawang isip kung magtutuloy o hindi. “Thea…” Boses ni Tito Gardo. Tumayo ako sa aking kama, ingat-na ingat na makagawa ng ingay na maririnig sa labas ng pinto. Halos buhatin ko ang mga paa palapit ng pintuan. “Thea… gising ka pa ba?” Hindi ako umimik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD