I'm watching a movie with my siblings when someone send me a message.
From: Kairo
Your dad text me asking why did we fight earlier. Should I say why?
Ps: its me ur hubby xoxo
Ang lecheng lalaki na yon ang kapal ng mukha i-text ako matapos akong bwisitin kanina! At ang kapal pa ng mukha nyang maglagay ng ng ps!
To: Kairo
Wala akong pake! Pakyu!
Ps: hindi kita asawa
Pagkasend ko ng message ko ay binaba ko na ang cellphone ko para mag focus na sa movie na pinapanood namin. Wala pang ilang minuto ay tumunog na naman ang cellphone ko.
From: Kairo
Are you still angry, darling? I'm so sorry.
Agad naman akong nagtipa ng irereply ko.
To: Kairo
Wag mo kong bwisitin ngayon please lang! Nanonood ako!
Binaba ko na ang cellphone ko at nilagay na sa may small table wala na akong balak mag reply pa kay Kairo puro katangahan lang naman ang sasabihin non.
I mean yes! Ikakasal kami pero hindi naman kasama yung feelings namin don! No string attached ang magiging kasal namin!
Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko pero hinayaan ko na lang mangiinis lang yang gago na yan eh!
"Ate magreply ka na kay kuya Kairo kanina pa natunog cellphone mo." Si Calix habang nakatingin sa cellphone ko.
"Hayaan mo sya!" Sabi ko lang pero maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ko means may tumatawag. Tinignan ko ang name caller at si Kairo yon kaya hinayaan ko na lang pero hindi nakatiis si Calix kaya sya na ang sumagot.
"Hello kuya? Ayaw sagutin ni Ate galit parin ata sayo. Gusto nya daw ng milktea at doughnut kuya sabi nya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Calix at aagawin ko na sana ang Cellphone ng pinigilan ako ni Kuya Elias.
"Pizza din kamo" mahina pang sabi ni kuya nag thumbs up lang naman si Calix.
"Pizza at burger din daw ano teh? Fries din? Grabe ka ate!" Sabi ni Calix na umaarteng kausap ako sisigaw na sana ako pero tinakpan na ni kuya ang bibig ko.
"Kuya naglilihi ba si Ate? Buntis na ba sya? Gusto nya bigla kumain ng kung ano ano eh! Ano yun kuya? Ano pa daw Ate gusto mo?" Tinanong ako ni Calix pero hindi naman ako makapag salita.
"Ice cream isang galon" bulong ulit ni Kuya at nag okay sign naman si Calix.
"Kuya Ice cream daw isang galon! Ate grabe ka naman! Kuya sharpshooter ka ah? Kambal ata nasa tyan ni Ate!" Sabi ni Calix habang nakangiti. "Ayaw magsalita ni Ate galit pa talaga sya kuya. Sige kami bahal ni Kuya Elias. Bye!" Sabi niya sabay baba ng cellphone ko.
Binitawan naman ako ni Kuya Elias at kukunin ko na sana ang cellphone ko pero bigla nyang kinuha ito at binigay kay Kuya Elias.
"Akin na yan! Napaka walangya nyo! Mga bwisit!" Naiiyak kong sabi dahil sa ginawa nila.
"Ate nagugutom lang naman kami alam mo namamg bawal tayo sa junk food ngayon. Papayagan tayo kapag nalaman nilang pinadala ni Kuya Kairo yon!" Sabi ni Calix.
Hindi na lang ako umimik at umupo na lang sa sofa at hinayaang tumulo ang luha ko. Napaka walangya ng mga kapatid ko bakit sila ganto. Nakakainis!
Naiiyak ako sa sobrang inis!
"Calix Wyatt! Hindi maganda yung ginawa mo!" Sermon ni Kuya Elias kay Calix na akala mo wala syang ginawang masama. Kaya naman tinignan ko sya ng masama.
"Ikaw nga yon Kuya! Kasama din kita! Pinaiyak mo si Ate!" Lumapit si Calix saakin at hinug ako "sorry na Ate wag ka ng umiyak. Hindi na mauulit promise." Sabi nya habang pinupunasan ang luha ko. Kinurot ko ko sya sa tagiliran na naging dahilan ng pag-inda nya.
"Sorry baby girl." Sabi ni Kuya Elias bago ay hinalikan ako sa gilid ng noo ganon din ang ginawa ni Calix pagkatapos ay parehas nila akong niyakap.
They are sweet towards me dahil ako lang ang nag-iisang kapatid na babae nila pero meron talagang demonyong ugali ang mga 'to. Habang yakap nila ako ay hindi ako papayag na hindi ako makakaganti kaya naman sinabunutan ko silang dalawa.
"Aray 'teeee!" Inda ni Calix habang hawak ko ang buhok nya.
"Callista masakit!" Inda pa ni Kuya.
"Mga leche kayo! Mga kampon ng diablo! Humanda kayo pag nagkaron kayo ng mga girlfriend tatandaan ko ang araw na toh!" Pinagpatuloy ko lang ang pagsabunot sakanila.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay sunod sunod na doorbell ang tumunog sa may gate namin.
"You two go there!" Galit na utos ko kay Calix at kay Kuya Elias.
"Pati ako?" Turo ni Kuya sa sarili kaya naman tinignan ko lang sya ng masama na nagpasunod sakanya.
Pagbalik nila Kuya ay may mga dala na itong paper bag. Eto na ata yung mga pinag-oorder ni Kairo. Ang dami grabe sobrang nakakahiya. Sya na nga ang nagbayad ng pagkain namin kanina eh.
"Eto na ang pagkaing bigay sayo ng mabait mong boyfriend mahal na reyna! Anong gusto mo Ate?" Si Calix habang binababa ang mga dala sa lamesa.
"Anong flavor nung Ice cream?" Tanong ko naman.
"Ube." Sagot naman ni Kuya Elias.
"Bring me spoon kakainin ko yan." Utos ko naman sakanya napa buntong hininga naman sya at kumuha na lang.
"Ano pa gusto mo Ate? Burger gusto mo? How about these pizza?" Alok ni Calix.
"May sinabi ka bang cheesecake Calix kay Kairo?" Tanong ni Kuya Elias.
"Wala bakit? Uy! Merong cheesecake! Ay hindi pala saatin 'to" iniabot saakin ni Calix ang cheesecake may sticky notepad sa taas non.
To: My wife
You look happy earlier when you're eating cheesecake so I buy you one again but this time it's a whole cheesecake! Don't share this to anyone! I hope you enjoy eating it!
Ps. I'm really sorry for what I did earlier I hope you forgive me beautiful! Xoxo.
It's his handwritten letter. Adik naman non may paganto pa. Nakakainis. May kumikiliti sa tyan ko! Bakit ganto!
"Akin na nga yung Ice cream!" Iniabot naman ni Calix saakin yung Ice cream at may sticky note din don.
Darling,
Don't be mad again I can buy you foods without getting mad don't worry! Enjoy your food! Call me when you're feeling better. Mwa.
Feeling ko binabalitad ang sikmura ko na parang kinikiliti nakakainis! Bakit ganto lecheng lalaki yon! Pero sige makakalusot sya ngayon dahil may pagkain! Pasalamat sya talaga nako!
Kinuha ko muna ang cellphone ko para makapag thank you sakanya dahil nakakahiya naman na hindi magsabi ng thank you ano!
To: Kairo
Thank you for the food. Lusot ka sakin ngayon dahil may pagkain.
Maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ko.
From: Kairo
Eatwell darling
I just can't help but to smile. I'm confuse. I don't know what to feel. I'm scared for this feelings and for my heart.