Nagising ako sa sobrang lamig maginaw ang papatapos na taon at dalawang araw na lang ay bagong taon, humikab pa ko parang kulang pa ata ang tulog ko. Ang sarap pa rin humilata mula ng december 27 ay bakasyon na namin tatlong araw na kong ganito puro hilata at maglilimang buwan na rin itong tyan ko at halata na sa tiyan ko pinagbubuntis ko. Humaba na rin ang buhok ko na abot tenga na pala kaya pagbangon ko ay itinali ko ng kung ano na lang nadampot ko na rubber band. Humarap ako sa salamin bundat na bundat na nga talaga ako kailangan ko na rin pala bumili ng pang maternity dress. Baka kasi pag nag commute ako ay may makapansin saking kapwa ko pasahero na lalaki ako pero buntis baka usyusuhin ako at pagkaguluhan. Gabi gabi kasing tumatawag si Grecko namimilit na lumabas kami

