Episode 19 Nakakamatay na kilig

3126 Words
   "Ladies and Gentlemen, honorable distinguish guest, We would like to call, The owner of Fit and Glam Magazine and Romance Publishing Mr. Grecko Anthony Sandoval to give us a wonderful message" wika ng MC.      Masabigong palakpakan ang umugong sa buong auditorium ng bagong building.       Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumakad papunta sa podium. Magkahalong kaba at saya ang nadarama ko para sa bagong kabanta ng buhay ko at bagong magiging tahanan ng aking magazine at publishing.       Nakatingin ako sa lahat ng guest ang aking pamilya at aking mga empleyado, mula sa kinatatayuan ko sa podium kitang-kita ko na lahat sila ay nakatingin at naghihintay ng aking mensahe.ngunit napansin kong may kulang, kulang ng isang tao na napaka importante sakin ngayon, isang tao na nagpapasiya sakin kahit na minsan ay kinaiisan ko ng sobra. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi pa bumubuka ang bibig ko sa mic at patuloy kong hinahanap si Jace.       Natapos na ang palakpakan ngunit wala pa rin si Jace hindi siya mahagilap ng mga mata ko, kaya nabawasan ang excitement ko. Tinuktok ng daliri ko ang mic.      "I'm quite nervous," unang mga salitang binitiwan ko.      May ibang napangiti at may natuwa sa sinabi ko.      "I AM indeed happy to inaugurate this new home for the Fit and Glam Magazine and Romance Publishing House. I am privileged to be present at this significant occasion, which marks for the people of Lifestyle and Fashion Industry, and of the Intellectual readers, more than just the opening of a new edifice and the blessing of a new building. It marks the beginning of a fresh phase in the development of my company; an expansion of facilities and intensification of efforts to render more significant articles and to create more exciting novels that will satisfy the needs of our readers,      Nakita kong pumasok si Jace nagdudumaling bitbit ang kung anu anong mga prospectus para sa event namin ngayon.     Hayys napakasipag talaga niya, lumapit siya sa mga kapwa empleyado niya sabay taas ng mga kamay at kumakaway sa akin. Maya maya ay may itinaas niya banner na may nakasulat na "Go Boss Grecko!"      Napatawa ako sa ginawa ni Jace. "Im sorry, I got distracted by my no. 1 fan, that is how my employees really support me, very incredible," sabay turo ko kay Jace. "That is why i loved them so much,"   (Talaga ba Grecko mema ka ah- author).     Sabay tingin ng mga tao sa pwesto nila Jace. "I am particularly gratified, because this event represents a translation into concrete reality of my administration’s determination to meet the challenge of the times, and foster the economic and social advancement of all of our people,"      "So I am proudly to unveil to you, our Brass marker of our new building"     Hinugot ang kurtinang tumatakip sa brass marker at muling nagpalakpakan ang mga tao. Madaming photographers ang kumuha sakin ng litrato pagkatapos noon ay maraming mga guest ang bumati sakin.    Pagkatapos ng aking speech ay humahangos na lumapit sa akin si Jace, hinawakan niya aking kamay at hatak-hatak akong idinala sa backstage.      "Sir Grecko bilisan ninyo," aniya.      "Wait, Bakit ba?" huminto muna ko saglit sabay tingin sa kanya.      Napatingin siya sa akin at sa aming  mga kamay nang pansamantalang akong bumitaw sa kanya para makaholding hands ko siya.      "Sir?" namula ang mga pisngi ni Jace at ang mga mata niya nakatitig na tila nagtatanong sa akin.      "May sasabihin ka ba sakin Jace?" malambing kong sambit sa kanya.       Napangiwi siya sa ginawa ko.       Pero patuloy niya pa rin akong isinama sa backstage.       "Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko      Kaagad na nilagay niya sa kuwelyo ko ang lapelier microphone. (maliit na mic na naka clip sa damit) nirekisa niya ang aking damit at sa tangkad ko pilit niyang inabot at sinuklay-suklay ng kanyang kamay ang buhok ko. Napahawak pa ko sa kanyang baywang para alalayan. Hindi mapatid ang titig ko kay Jace para akong nagayuma sa kanya sa tuwing titingnan ko ang mukha niya.       "Ayan ang guwapo niyo talaga Sir Grecko, ayan mukhang handang handa na kayo sa performance ninyo," wika ni Jace sa akin na pilit na  umiiwas sa mga titig ko.       "Galingan niyo kumanta Sir ha," patuloy niya.      "Teka, teka bakit ako kakanta? At bakit nandoon sila Ivler at Marky sa stage," tanong ko nang makita ko ang mga kaibigan kong naghahanda ng Acoustic guitar at keyboard.      "Sir Grecko ito kasi naisip ni Sir Marky kayo na lang po ang kakanta kasi hindi po dumating yun magperperform, Okay na Sir kaya pumunta na po kayo sa stage!"      "Pero," tutol ko      "Wala ng pero, pero Sir kaya niyo yan Go! Go! Go!"      Tumalikod na sakin si Jace para iwan ako sa pag aakalang tutungo na ko sa stage. Laking gulat niya  marahas ko siyang kinabig at hinalikan....     "hmmp," reaksyon ni Jace habang masuyo at mainit gumagalaw ang aking labi sa kanyang labi.     Lalo pa kong nang gigil kay Jace nang ilapit ko ang katawan ko sa kanya at hinawakan ng aking malalaking palad ang cute na mukha ni Jace..     "Hmm, hmm," hingal si Jace nang makawala sakin.     Na ikinatuwa ko naman ang ginawa ko.         "Bakit niyo ko hinalikan?" tanong niya.      I pause for a minute and wondering why he ask me? Wala ba siyang nararamdaman sakin? Ano yun minsan para siyang tanga na nakatulala sa akin at minsan natataranta pa kapag kinagagalitan ko siya, ang madalas niyang pag iwas ng tingin pag hinuhuli ko siyang nakatitig sakin, lahat ng senyales na may may pagkagusto ka sa isang tao naoobserbahan ko sa kanya. Naglaho na ba pagtingin niya sa akin? At paano yun namagitan samin balewala  na lang ba yun,"     "Jace, its hard to believe it pero I love..."      "Gusto niyo ba makapanood ng mga gwapong kakanta at magpeperform dito sa stage?"      "Oo," sigaw ng mga audience.     "Alright may we call again Sir Grecko Anthony Sandoval to give us a wonderful performance you shouldnt miss,"      Halos dumagundong ang buong auditorium sa masibagong palakpakan ng mga tao. Habang ako'y itinutulak palabas ni Jace sa stage.     "Jace teka, teka di ko pa sinasabi sayo,"     "Mamaya na yan Sir huwag na kayong makulit,"     Wala akong kaalam alam sa gagawin ko, pinunasan ko pa ang pawis na gumuhit banda sa patilya ko. Nagupisang tumugtog sila Ivler at Marky , pinakinggan kong mabuti ang intro ng kantang tinutugtog nila.     Sa wakas nahulaan ko na din kung ano ang kantang aawitin ko ito yun madalas kong inaawit noong elementary ako tuwing may program sa school.      Huminga pa ko ng malalim dahil sa niyerbyos matagal tagal na din ang huli noong ako'y kumanta sa stage. It's amazing how you Can speak right to my heart Without saying a word You can light up the dark Try as I may I could never explain What I hear when you don't say a thing The smile on your face let's me know that you need me There's a truth in your eyes saying you'll never leave me The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall You say it best When you say nothing at all      A lot of times na madalas akong lumilingon kay Jace mabuti na lang at nagiisa siya sa backstage at bago matapos ang aking inaawit nakita ko si Jc na bagong dating mula sa likuran at kumakaway sa akin.      Bigla akong namoblema na  magkasama na ang mag kaibigang si Jace at Jc.      Hindi ko inaasahan yayakap sakin si Jc upang surpresahin ako. Kitang kita kong may lungkot sa mga mata ni Jace nang makita niyang yumayakap sa akin ang kaibigan niya.     At mas lalong hindi ko inaasahan na masaya itong lumapit samin si Jace  at todo papuri sa performance namin.     Ano ba talaga Jace talaga bang wala kang gusto sakin.      "Ayos pa rin brad boses mo magaling ka pa rin kumanta," sabi ni Ivler.      "To think biglaan pa yun ah," sang ayon ni Marky habang nakaakbay kay kay Jace at pinangigilan ng pisil ang pisngi nito.      I hate what im seeing its like a knife chopping my heart into pieces. Habang tinititigan ko si Jace. Naconcious naman siya sa ginawa ko, inalis niya ang braso ni Marky na nakaakbay sa kanya.      "Oo nga po pala may autograph signing pa po kayo Sir Ivler," sabi niya habang nakapalibot kami sa kanya.     I was observing him kung paano niya i-ginuide papunta sa stage si Ivler. Bakit kanina hinawakan niya ko sa kamay at walang reklamong magkaholding hands pa kami, samantalang si Ivler sinundan lang niya papunta sa stage.     Gosh your driving me crazy your cute little gay mababaliw na ko sayo! Habang pinapanood ko sila sa stage na naghahanda sa signing ng magazine cover issue.     "Grecko are you okay, kanina ka pa tahimik" tanong ni Jc.     "O-okay lang ako nabigla lang ako sa biglaan performance kanina," Samantala....      Jace pov      Sobrang haba na ng pila ng magpapa autograph sign kay Ivler halos lahat ay gustong-gustong makalapit sa kanya at para makapagselfie kasama siya.       Habang inaasist ko si Sir Ivler nakatayo naman sa kanang bahagi ng stage sila Sir Marky, Sir Grecko at Chairman Mao na naguusap usap.      Binigyan ko ng mineral water si Sir Ivler at pagkatapos noon ay nilapitan ko din sila Chairman Mao para alokan ng Mineral Water. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang parang wala lang ang nangyari kanina samin ni Grecko, hindi mawaglit sa isipan ko ang pakikipagholding hands niya sa akin at ang pagnakaw niya ng halik sa akin.         Dinig na dinig ko ang t***k ng puso ko sa tuwing lalapit ako kay Grecko at sa mga titig niyang parang nakakalusaw.       Ingat na ingat ako sa kilos ko dahil ayaw kong may mapansin ang boyfriend kong si Marky. Binigyan ko rin ng Mineral water si Gab na nakaupong mag isa.       "Best, Wait lang ah sobrang busy ko pasensya na pero last na activity na ito wala ng susunod pa,"       "Best huwag mo kong alalahanin naiintindihan ko syempre trabaho yan okay lang ako dito,"      "Sigurado ka Bess ha,"      "Oo naman at saka napansin ko ang cute cute na ng bestfriend ko sinunod mo talaga turo ko sayo kagabi,"      "Thank you talaga best, maya na lang best." saka bumalik ako sa at tumayo malapit kay Barbs na nag aasikaso ng mga taong nakapila.       Nagulat ako na nakapila din ang mga taga media mula sa showbiz entertainment at lifestyle at magazine section ng mga higanteng kumpanya ng broadsheets.      "Mr. Ivler Concepcion magtatagal na po ba kayo dito sa pinas para gumawa ng ilang endoresment at commercials?"       Hala bakit may ambush interview na nagaganap akma sana akong lalapit para pigilan ang ambush interview ngunit pinigilan ako ni Barbs.      "Hayaan mo na publicity yan, lalong iingay ang career ni Sir Ivler at sisikat magazine natin,"      Tiningnan ko naman sila Sir Grecko para tingnan ang reaction nila, naka thumbs up lang ang mga ito.      "Yeah dito muna ko sa pinas habang wala pang ibinibigay sakin na projects sakin mula sa modeling agency ko,"      "Eh Sir ano po masasabi niyo sa mga litratong ito na kumakalat sa internet na karelasyon niyo po itong kasama ninyo,"     Nanlaki ang mga mata ko sa mga tanong ng mga reporters at writers, ako yun nasa mga  pictures.      Tinangka kong umatras ngunit huli na nakilala nila ako kaya nahati silang mga nagtatanong kay Ivler at  sakin, ang iba ay kinukunan ako ng litrato.      "Pakikumpirma po kung kayo ang nasa litrato," tanong sakin ng mga taga media.      Hindi ako makakibo sa tanong.      Naramdaman kong hinawakan ako ni Barbs at pinaupo sa tabi ni Ivler.      "Grabe ka girl ikaw na talaga dyosa, relax ka lang it's your time to shine," maharot na bulong sakin ni Barbs.       "Yeah to be honest siya yun kasama ko sa picture, he is Jace Christian Morales at pinakiusapan ko siyan puntahan ako sa isang event ko sa mall. Ang nangyari he was injured that time at kailangan kong buhatin,"      "Pero Sir may relasyon po ba kayo, are you a gay or bisexual?"       Ngumiti lang sakin si Ivler very relax sa mga nakakapressure na tanong.       "I'm straight maniwala kayo o hindi but I'm not against with the lgbt+, My manager is a gay and I owe to him My success, so I like ang really love them,"       "So what is the real score between the two of you?"       "I prefer na i-babase ko yun sagot ko sa sasabihin ni Jace, right dahil gentleman po ako," sabay kindat ni Ivler sa akin.      "Ano sagot mo Jace?" tanong ni Ivler.      Sir Ivler naman pinasa niyo naman sakin yun pressure hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Tumingin muna ako sa paligid nagiisip, naghahagilap ng maisasagot ko. Nakita kong pinigilan ni Grecko si Marky na naka ilang hakbang na para sagipin ako sa napakahirap na sitwasyon. Samantalang si Chairman Mao naman ay ngumunguso sabay senyas ng oo para sa sagot ko.      Hinawakan ni Ivler ang kamay kong nakatago sa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako sa  napakapoging model.      "Ahm k-kung a-ano man namamagitan samin ni I-ivler sa tingin ko samin na lang muna iyon, sasabihin na lang namin kapag nakapagdesisyon na kami," mautal utal kong sagot.       "Naku parang mayroon nga ah," wika ng isang baklang reporter.       "Pero guys heto, Masaya ako dahil may nagpapasaya sakin ngayon, so iyon na ang statement you can read the lines at kayo na bahala magsulat," tugon ni Ivler.       "Omg nakakakilig naman," sabi ng mga taga media at ng mga tao na fans ni Sir Ivler.      Halos magtilian ang mga tao sa kilig dahil sa sinabing iyon ni Sir Ivler. Nang matapos ang autograph signing masayang unang lumapit sa amin si Chairman Mao sumunod si Sir Grecko at ang boyfriend kong si Marky.       "Alam mo Jace nakakatuwa ka talaga, Nakapag deal na kami ng Boss Grecko mo. Sa Fit & Glam Magazine na lang ako magpapa feature ng mga ilalabas namin clothing line ng Sc apparel sa January. Alam kong magiging number 1 sa sales, at mga magazine nio dahil sa mga controversy ninyo ni Ivler. Di ba Mr. Sandoval,"      "Ahh Yeah, yeah I agree with Chairman Mao lalong sisikat ang magazine natin for sure tayo ang magiging leading magazine sa buong bansa,"      "O di ba tama ako frenny sa sinabi ko sayo kanina," dugtong ni Barbs.      Feeling ko nasa roller coaster ako na naalog ang ulo ko sa mga nangyayari, Kanina kay Sir Grecko , pangalawa kay Sir Ivler pangatlo kay Marky na kitang kita ko sa reaction ng mukha niya na malungkot ito.       Feeling ko ang sikip sikip ng mundo ko.       "Come on let's celebrate our victory nagpaprepare ako sa bahay para makapag enjoy naman tayo dahil napakahaba ng araw na ito," aya ni Sir Grecko.       "Im Sorry Mr. Sandoval next time na lang i have a flight tonight for Hongkong, So I will leave you for now and congratulations,"       "Ingat po Chairman Mao,"       "Oo nga pala sana maisama ko naman si Jace gusto ko magbonding kami with my lucky charm," ani ni Chairman Mao.       "Sige po Chairman Mao sana payagan po ko ni Boss Grecko,"       "Papayagan ako niyan, ako bahala, O sya congratulation to all of you, enjoy the night," sabay tingin sakin ni Chairman Mao nang makahulugan.       "Jace, Im sorry if ganoon ang naging statement ko kanina, I hope you dont mind para sa success ng magazine you know,"       "Opo Sir Ivler naintindihan ko po,"       "Excuse may gagawin lang ako, sunod na lang ako mamaya sa party," sabay alis ni Marky na mabibilis ang hakbang.      "Excuses po may ihahabol lang po ako kay Sir Marky,"       Hinabol ko kaagad si Marky dahil alam kong hindi naging maganda reaction niya sa mga nangyari. Alam kong kailangan ko pa rin siyang kauspin kahit naiintindihan niya na para sa kumpanya ang ginawa namin ni Sir Ivler.       Naabutan ko siyang papasakay na sana ng elevator. Mabuti na lamang lumingon siya nang tinawag ko.      "B-babe saan ka pupunta?"      "Oh baby bakit mo ko sinundan?"      "Saan ka nga pupunta? Bakit hindi nagsasabi sakin,? Tanong ko.       "Ichi-check ko lang si Papa susunod na lang ako maya sa party,"      Iba ang mga tingin sakin ni Marky kahit na nakangiti ito sakin.dahil doon ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.      "Baby parati mo na lang ako ginugulat, bakit naglalambing sakin ang baby ko?"       Hindi ko maintindihan ang sarili ko alam kong mahal na mahal ko noon pa si Grecko, pero iba impact sakin ni Marky nang maging kami. May lakas ako ng loob para maglambing, wala akong inhibitions na ipakita ko sa kanya pagmamahal ko lalo na ngayon, pero bakit kung kailan naging kami ni Marky saka lumalapit sakin si Grecko na kung noon ay inis na inis sakin.      "Eh baka nagtampo ka kanina o nagselos,"      Iniangat ni Marky ang mukha ko halos isang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin.       "Nope bakit naman ako magseselos di ba I'm the business manager of your Boss Grecko, tactics ang tawag doon baby sa business kailangan talaga ng mga gimik, para maka attract ang tao na tangkilikin ang isang bagay, wala kang dapat ipag alala ha,"       "Sabi mo yan ha,"       "Yup,"       "Promise?"       "Yup promise, natuwa naman ako sayo baby lalo ka nang nagiging sweet sakin,"       "Eh kasi love kita," malambing kong sabi.      "Love you more baby, o siya alis na ko para makasunod ako sa inyo agad, ingat ah i love you,"     sabay kiss sakin pagpasok niya sa elevator ay nag goodbye kiss pa sakin ang nobyo ko.            "Bye sunod ka ha,"        Sabay sensyas sa aking bye bye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD