Jace pov Nakabihis na ko lahat-lahat nakahanda na rin ang gamit ko pero nakaupo pa rin ako sa hagdanan parang hindi ko pa kayang pumasok sa trabaho, hindi ko pa kayang harapin si Grecko. Babalik na sana ako sa kuwarto at mahihiga ng may marinig akong kumakatok sa labas. Timing naroon si Papa sa sala kaya siya na ang nagbukas. "Magandang umaga po, Si Jace po?" Boses ni Marky susunduin ata ako, hindi man lang siya nagsabi sakin. "Ah iho, Ikaw ba yun may-ari magandang sasakyan na madalas kong nakikita sa labas?" tanong ni Papa. "Opo Sir," Mabilis akong bumaba ng hagdan para makapunta ng sala, May pagkama usisero si Papa lalo na kapag hindi niya kilala ang isang, kaya aawatin ko baka kung anu ano pa matanong ni Papa. "Marky," "Good Morning baby Jace," Napalingon sakin si Papa tila

