Lumipas ang ilang buwan at sumapit na kabuwanan ni Jace, hindi katulad ng mga naunang buwan na maselan ang pagbubuntis niya. Naging magaan ang ika-pito at ika-walong buwan ng pagbubuntis niya. Lingid sa kaalaman ni Grecko, naisipan ni Jace na humingi ng tulong kay Chairman Mao, sapagkat ang naturang matanda na isang business tycoon ay may pag aari din itong mga hospital. Nakiusap siyang nais niyang maglabor sa hospital ni Chairman upang maitago ang pagsilang ng kanyang anak. Malugod naman pinaunlakan ni Chairman Mao si Jace dahil ng mga panahon nasa amerika si Aizen na naka comatose. Si Jace ang nagsilbing alaala niya kay Aizen at bukod doon naging malapit ang loob niya dito, simula ng pinag ingatan mabuti ni Jace ang naiwang dokumento ng mga kumpanya niya sa bangko kung saan si

