Ipinark ni Marky ang sasakyan sa tabi ng kalsada ng Bonifacio Global City. Matapos namin ikutin ang napakalawak na lugar ay nakita rin namin kung saan ang photoshoot location. "Ayun na si Porsie oh! Turo ko sa isang malaking puno kung saan may nakatayo ng tent at na may mga ilang tao na din pati mga camera at ilang kagamitan na ginagamit sa pictorial. "Oh ang bilin ko ah huwag kang magpapakapagod, magpupuyat at lagi kang mag take ng vitamins ingatan mong mabuti baby natin ha." Nakatingin lang ako kay Marky na parang wala akong balak bumaba ng sasakyan. "Huwag ka nang tumuloy Babe malulungkot ako ngayon pasko," "Kung maaari lang sana kaso sayang din yun invite eh, kung puwde lang din sana isama kita ginawa ko na , dalawang linggo din kasi akong mamalagi

