Hindi ako nalasing sa ininom ko pero lango ako sa sensasyong umalipin sa buo kong pagkatao. May pakiramdam ako na hindi lang katawan ko iyong naangkin ngayon ni Vaughn Gabriel at kasalukuyan pa rin niyang inaangkin. Hindi pa rin naghihiwalay ang pagkakahugpong ng katawan naming dalawa habang buong bigat siyang nakapatong sa'kin. Pareho naming ninanamnam ang aftershock ng pinagsaluhan naming sarap. Bahagya nang kumalma ang bugso ng umaalipin sa'ming sensasyon pero nanatili pa rin ang init sa katawan naming magkalapat. "Is this a yes, Alex?" malumanay na tanong ni Vaughn Gabriel kapagkuwan. "Yes to what, Vaughn Gabriel?" kunwari ay walang ideya kong balik-tanong. "Nakabaon na ako sa'yo lahat pero binubuo mo pa rin ang pangalan ko." Mahina siyang napatawa bago kumilos upang baliktarin an

