"Ano ba ang gusto mo? Sampung taon ang tanda sa'yo?" Hindi ko maiwasang panayuan ng balahibo dahil sa mababang tono ng boses ni Vaughn Gabriel nang magtanong ito. Kailangan ko pa munang huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili at makapag-isip nang isasagot. "Relax, Lex, masyado kang tensiyunado," naaaliw na wika ni Dax. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ng kamay niya sa balikat ko. Walang nakaka-relax sa ginagawa nilang mag-ama! Kung si Vaughn Gabriel ay niyayanig ako ng boses nito, siya naman ay dinadaan ako sa papisil-pisil. Paano ako magre-relax nito? "It's Alex," matigas kong wika. Idadaan ko na lang sa pagsusungit ang kaabnormalang nangyayari sa sistema ko."Alexandra Ramirez Carson ang buo kong pangalan, so stop calling me Lex." Mabuti na lang at hindi na ulit pumis

