Chapter 19

1046 Words
"I didn't know your quite a drinker" namamanghang sabi ng binata habang nakikita kung pano lumagok ng beer si Jorgina. After the party kasi ay niyaya ni Jay ang dalaga sa isang malapit na outdoor bar sa resort na iyon. To celebrate dahil naisara na nila ang deal. Sa wakas ay napiramahan na ni Mr. Lee ang mga papeles at wala ng urungan iyon. Nangingiti namang napatingin si Jorgina sa kanya. "Alam mo sir, umiinom talaga ako noon pa nung nag aaral pa ako,, medyo mataas talaga tolerance ko sa alak. Pero I'm not sure sa ibang klase ng drinks kasi more on beer lang ako. " Sagot nito habang nakatanaw sa karagatan na nasa harapan nila. " So, what happened then?" Usyoso naman ng binata. Natigilan saglit si Jorgina sabay humugot ng malalim na hininga. "Ayun, na stop ako sa studies nung namatay si papa" may bahid na lungkot sa tinig nito. "I'm sorry" paumanhin naman ng binata. "Ok lang yun, matagal na yun eh" anya habang nakangiti ng bahagya. "Hmmmm , si mama nag Taiwan siya. Pero hindi na siya bumalik. Wala na kaming balita sa kanya" sabi pa nito bago uminom muli sa hawak na bote. "You know what, I admire you" wika ni Jay pagkatapos uminom ng alak. Napalingon naman sa kanya si Jorgina na nagtataka. "You're brave, you're strong. . And you really love your family" seryosong tugon nito. "Lahat naman sir may ganun characteristics " sabi pa ng dalaga saka tumayo. Dala dala ang bote na nilakad ang buhanginan, nagbasa siya ng mga paa sa tubig dagat. Lihim naman siyang kinunan ni Jay ng litrato habang naglalaro sa dalampasigan. Para itong isang diwata na naglalaro ng alon sa ilalim ng buwan. "Alam niyo sir, ang sarap ng tubig" sigaw pa nito. Hindi niya alam kung tipsy na ba ang dalaga or what. Kasi nagiging playful na ito. "Sayang naman outfit natin kung di natin ililigo diba?" Natatawa pa nitong sabi. Nilapag naman niya ang hawak na beer saka sinundan ito. "Marunong ka bang lumangoy?" Tanong ng binata. "Sakto lang" sagot nito. Dahan- dahan siyang lumusong sa tubig. Kitang kita ang six pack abs nito dahil inalis nito ang suot na polo. Pasimpleng napasulyap ang dalaga sa katawan nito. Para talagang model ng bench! Naibulong nito sa sarili. "Ang lakas ng loob mo mag aya tapos hindi ka masyadong marunong?" Nangingiting sabi ng boss niya. Tama ba ang nakita niya? Nginitian nga ba siya ng gwapong masungit na boss? Bigla siyang kinilig! "Sir, wala naman akong sinabi na lalangoy ako sa malayo, maglulublob lang ako syempre" natatawa niyang sabi. Pero nagulat na lang siya ng bigla siyang hinatak ng boss patungo sa malayong parte ng dagat. "Sir!!" Pagpupumiglas niya. "Walang ganyanan naman!" Sigaw niya pa. "Don't worry. Just hold onto me." Natatawang sabi ng binata. Maya-maya ay ramdam ni Jorgina na hindi na umaapak sa buhangin ang kanyang mga talampakan. "Sir, wala na kong maapakan" nagaalala niyang sabi. Hinigpitan niya ang pag sabit sa leeg nito. "Don't worry , just trust me" sabi pa nito. Hindi na alintana ni Jorgina ang pagkaskas ng dibdib sa katawan nito. Mas inaalala niya na hindi siya magaling lumangoy. Kabaligtaran naman ni Jay. Kanina pa siya nag iinit habang katabi ang dalaga. Pakiramdam niya ay gustong kumawala ng kanyang alaga dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Lalo na at hawak hawak niya ang beywang nito. "Sir, sobrang lalim na dito" naiiyak na sabi ni Jorgina. "Ok, let's go back" malumanay niyang sagot. Dahan dahan niyang dinala ang dalaga sa malapit sa dalampasigan. Ng makaapak sa buhangin ay nauna na itong umahon, lingid sa pagkakaalam ng babae ay walang humpay ang pagtitig ng binata sa kanyang likuran na animo isinasaulo ang kanyang pigura. Ng makaahon ay dinampot agad ni Jay ang bote ng beer at nilagok ang natitirang laman non. "I think we should head back" sabi nito sabay abot ng suot suot nitong white polo kanina. " Wear this, baka malamigan ka pa" utos niya sa dalaga. "Thank you. . " Naka giting tugon ni Jorgina. In fairness naman sa boss niya may tinatagong pagka gentleman. Ngunit naging tahimik na ito habang naglalakad sila pabalik ng hotel. Nagtataka man ay hindi na ito inusisa ng dalaga. Marahil ay pagod lang ito kung kaya't ganoon. Hindi rin maintindihan ni Jay. Hindi siya mapakali ng mga oras na iyon at alam niya kung bakit. Kilala siya as a player, uhaw sa s*x kung kaya't kung sinu- sino ang naika- kama niya. And having Jorgina in his arms earlier, . .that made him aroused. He admit, malakas ang s*x appeal ng dalaga at hindi ka makapag pipigil kung katabi mo ito. Maging sa loob ng elevator ay tahimik silang dalawa . Gusto mang magsalita ni Jorgina ay pinigilan na lamang niya ang sarili. Bakit kaya biglang nag bago ang mood niya? Naibulong nalang niya sa sarili. Nang makarating sa harapan ng pinto ng kwarto ay saka ito nagsalita. "Sleep early, maaga tayong aalis mamaya" utos nito. Tahimik naman siya at hindi tumitingin sa binata. Hanggang ngayon kasi ay iniisip niya kung may nagawa o nasabi nanaman ba siyang hindi nito nagustuhan? Ang hirap hirap talaga pag topakin ang amo mo, lalo na kung madalas kailangan mong laging hulaan ang mood niya. Kaya nag aalala siya, iba pa naman ito pag wala na sa mood. Nagiging dragon na lamang bigla na tila umuusok ang ilong lagi sa galit. "Miss Reyes? " Untag ng binata sa kanya. " Are you listening? " Kunot noong tanong nito. "Y-yes sir!" Sagot niya sabay tango. "Thank you po for tonight, good night" sabi niya sabay wala sa loob na hinalikan ang binata sa pisngi. Maging siya ay nagulat sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Saglit lang naman ang pag dampi non sa pisngi ng binata ngunit libo libong kaba ang bumalot sa kanyang katauhan. Hindi na tuloy niya malaman ang gagawin. Habang natulala naman ng bahagya ang binata sa kanyang ginawa. Akmang papasok na siya sa loob ng kwarto ng hinawakan siya sa braso ng binata at sinandal sa dingding. Bahagya itong nakayuko sa kanya kung kaya't ramdam niya ang mabango nitong hininga. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napapikit na lamang siya na tila hinihintay ang susunod na gagawin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD