"Wow ate! Ang ganda naman ng camera nitong cellphone mo" namamanghang wika ni Jef- jef.
Kanina pa ito hindi matigil sa pag si selfie. Mas maganda kasi ang mga kuha niya doon sa cellphone na bigay ni Jay sa kanya kaysa sa binili niyang phone para dito.
"Siguro mahal to" sabi naman ni Joy.
"Ang swerte mo naman sa boss mo ate" sabi pa ni Jef- jef.
Muntik naman siyang masamid sa kinakain niyang chicharon.
Kung alam niyo lang , bulong niya sa sarili.
"Akina ate, gagawan kita ng sss at IG" masayang sabi ng kanyang kapatid.
"Pero mag selfie ka muna, dapat yung maganda ka" sabi pa nito.
"Oh sige, gano ba dapat kaganda?" Natatawang tanong niya.
"Yung artistahin" sabi naman ni Joy.
Natatawa nalamang siya na nag ayos ng buhok at nag lagay ng liptint sa labi at pisngi.
Maya maya ay nag selfie siya ng paulit ulit .Auto adjust din ang phone kaya't napaka ganda niyang tignan doon.
Suot niya ang isang sleeveless top na kulay itim at nakalabas pa ang pantay pantay niyang ngipin sa lapad ng pagkakangiti.
"Yan ang sinasabi ko ate! Artistahin, alam mo dapat sumali ka sa PBB " pambobola ng kapatid niya.
"Ewan ko sayo, sige na gawan mo na ko ng account" sabi niya habang patuloy na kumain ng biniling chicharon.
Hanggang ngayon ay napapangiti siya ng maalala ang nangyari ng nakaraang araw. Minsan talaga ang boss niya ay napaka arogante ngunit minsan naman ay mabait. Hindi niya tuloy malaman ang totoong ugali nito.
Samantala...
Masayang nag iinuman ang barkada ng biglang tumunog ang cellphone ni Jay. Nang tingnan niya ay lihim siyang napangiti. . Ngunit hindi ito nakaligtas sa mapanuring si Dave.
One of your contacts is in IG
Yun ang nakita niya sa notification. Nang pindutin niya iyon ay lumabas ang profile ng kanyang secretary. Napakaganda nito sa kanyang profile picture.
Nagulat naman siya ng biglang hablutin ni Andrew ang phone niya.
"She's pretty ha, Who's this bro?" Tanong ni Andrew. Naki usyoso naman ang iba pa niyang kaibigan.
"Don't tell me she's your new target?" Tanong ni Dave.
"Hell no! Akin na yang phone ko," anya na nakipag agawan pa sa kaibigan.
Hindi rin nila napansin na aksidenteng napindot ang follow butto sa profile ng dalaga.
"Oh.. her name is Jorge?" Natatawang sabi ni Andrew sabay abot sa cellphone niya.
"She's nothing" patay malisya niyang sagot.
"Nothing daw? Eh bat yung smile mo kanina napaka lapad" ani Dave.
"Bro, di ka makakapag tago samin. Amoy na amoy ka namin oh" natatawang sabat ni Carl sabay lagok ng beer sa bote.
"She's the tricycle driver" anya.
Napatingin naman si Carl at Dave sa isa't isa habang si Andrew ay tila blangko sa pinaguusapan nila.
"You mean yung nagsabing hindi ka gwapo?" Namamanghang tanong ni Dave.
Napatango naman siya.
"Teka- teka lang hindi ko kayo maintindihan ha" putol ni Andrew sa usapan nila.
In- explain naman ng dalawa ang nangyare noon kay Andrew at tawa naman ito ng tawa.
"She's my secretary now" sabi nalang ni Jay.
"Oh, come on bro! Sa ganda non. For sure gustong gusto mo na ikama yon" natatawang wika ni Carl.
Naasar naman si Jay at kwinelyuhan ang kaibigan. Hindi niya malaman kung bakit. Sanay naman siya sa biro ng mga ito pero ngayon ay talagang nag init ang kanyang tainga.
"Woh! Woh! Chillax bro, were friends here" awat ni Andrew sa dalawa.
"I'm just kidding bro" pagpapaliwanag ni Carl.
Tuluyan naman niya itong binitawan bago mag salita.
"She's not like that. She's decent" seryoso niyang sabi.
Nagkatinginan naman ang tatlo.
"Mukang inlove ka bro?" Nakangiting tanong ni Dave.
Hindi naman siya nakaimik. Imposible siyang magka gusto sa isang tulad lamang ni Jorge.
Napapailing na lamang siya habang nagtatawanan ang mga kasama. Ibang iba kasi siya ngayon. Noon naman ay nauuna pa siya mag open sa mga naging babae niya, wala siyang tinatago sa mga kaibigan. Maging ang mga pangyayare ay detalyado. Iba lang talaga ngayon. Pakiramdam niya ay binabastos nila si Jorgina kahit hindi pa nila ito nakakaharap. At hindi niya iyon nagustuhan. Para sa kanya ay hindi deserve ng dalaga ang ganung pambabastos.
"Uminom nalang tayo," sabi pa niya.
"Yes, let's drink till we drop" tugon naman ni Carl.
"Ikaw Andrew, malapit ka nang ikasal kaya ngayon palang magpakalunod ka na sa alak" natatawang saad naman ni Dave
"Ako naman ang nakita niyo" sagot naman nito.
While Jay is scrolling his social media account. Tinitignan niya ang iilang posts ng dalaga. Saka niya napansing nag follow back sa kanya ito.
Pero kelan niya to finallow? Nagtataka man ngunit naisip niya na marahil ay aksidenteng napindot ang follow button nung nag aagawan sila.
Nakita niya ang masayang picture nito kasama ang dalawang bata at isang matanda. Naalala niya, sila yung kasama niya sa mall noong nakaraan. Ngunit nasan ang Parents niya?
Nagulat pa siya ng mag heart react ito sa latest upload niya na magkakasama silang magkakaibigan sa bar.
Kunot noong nag type siya ng message sa messenger.
Jay: what are you doing?
Jorge: wala?
Jay: don't be sarcastic, why did you reacted on my post?
Jorge: oh my? Nag react ba ko, di ko sure eh. Di pa ko masyado marunong.
Jay: the hell,,,
Jorge: hmm delete niyo nalang po para wala mag react??
Jay: are u kidding?
Jorge: high blood nanaman kayo boss. . Nag like lang ako para alam nyong aware ako na nasa inuman kayo just in case ma late kayo tom. ?
This girl ! Madalas talaga ay nakakairita ito. Napapailing na lamang si Jay.
Jay: mind your own business! I'm the boss here, I can go to work anytime I want. And you? You're just my employee and I'm paying you. So you don't have the right to be late. ?
Napataas naman ang kilay ni Jorgina sa nabasa. Ibang klase talaga ang yabang ng boss niya! Sagad sa kaluluwa. Kahit chat lang ramdam na ramdam niya.
Jorgina: I've never been late.
Jay: ?
Yun lang at di na nagreply pa si Jorgina sa binata. Dahil pareho naman silang hindi marunong magpatalo ay siguradong hahaba lang ang usapan. Minabuti na lamang niyang matulog na, bukas din kasi ay a- attend sila ng birthday party ni Mr. Lee. Ang gusto kc ng matandang iyon ay kasama din siya. Sa totoo lang ay ayaw niya sa hapones na iyon. Naaasiwa talaga siya sa titig ng matanda. Pero business as usual kaya kailangan niya maging professional.