Chapter 12

1866 Words
Napabalikwas ng bangon si Jorgina ng mapagtantong may magalaga silang pupuntahan ngayong araw ni Jay. May important client meeting si Jay Ngayon at Hindi siya pwedeng ma late. Dali Dali siyang bumangon at halos nakapikit pang tinungo Ang banyo. "Jeff Jeff!! " pasigaw niyang tawag sa kapatid ngunit Hindi ito sumasagot kaya't muli niya itong sinigawan. "Jeffrey!!!" naiinis niyang sigaw. Kahit kailan talaga ay Ang hirap tawagin ng mga kapatid "Bakit Po ate!?" Tila may inis na tanong ng binatilyo. "pa bilhan mo nga ko Kay Joy ng shampoo at conditioner! tapos iabot mo sakin Ang tuwalya" utos niya habang nagbubuhos ng tubig sa katawan. "San Po Yung Pera? " tanong ng kapatid. "Diyan sa bag ko at bilisan nyo na male late na Ako" wika ng dalaga. Inabot Naman nito ang tuwalya Bago pinabili Ang nakababatang kapatid ng shampoo at conditioner. Nang matapos maligo ay Hindi magkano da ugaga Ang dalaga sa paghahanap ng maisusuot. Halos lahat Kasi ng damit na nabigay ni Katrina ay nasa labahan na. Maliban sa Isang damit Doon na never pa niya sinuot. Napaka daring kasi noon tingnan kapag sinusuot na niya. Red silk na sleeveless dress . Halos lumabas na Ang dibdib niya sa damit na yon at may slit pa ito sa harapan ng hita. Actually, casual Naman Ang damit na iyon ngunit iba Kasi pag siya Ang nag suot. Masyado niyang nabibigyan ng hustisya Ang damit dahil sa Kaseksihan niya. Idagdag pa na Lalong pumusyaw Ang kulay ng balat niya dahil bihira nalamang siya masinagan ng araw. Muli niyang pinasadahan ng tingin Ang damit na iyon. Wala na siyang choice, Yun Nalang Ang susuotin niya papa tungan na lamang niya ito ng white na coat. "Wow ate para Kang artista! " puri sa kanya ng kapatid na si Joy. "naku, Wala pa ko sa kalingkingan ng mga artista" nakangiti niyang wika habang nagpapahid ng lip tint sa labi at mga pisngi. Ganun lang Naman siya mag make up. Napaka simple. Maging Ang mga accessories niya ay binili niya lang sa palengke. "Oh siya! Aalis na Ako at baka bumuga nanaman ng apoy Yung dragon sa office" natatawa niyang wika na Ang tinutukoy ay Ang boss na si Jay. Nagmamadali na siyang lumabas ng Bahay at namataan niya si Cesar na nakaparada sa Isang Kanto. Sinenyasan niya ito at agad namang nag drive palapit sa kanya Ang binata. "Hanep Jorge di kita nakilala sa pormahan mo ha" namamanghang wika nito sa kanya. Nangiti na lamang siya sabay sakay sa tricycle. "Pwede mo ba ko ideretso sa Don Ramon Tower?" tanong niya. "Pwedeng pwede Ikaw pa" Anya sabay start ng motor. "Hindi talaga kita agad nakilala para Kang artista" Banat ulit nito. "Naku nambobola pa kayo eh marunong Naman Ako manalamin no" natatawa niyang wika. "Totoo Naman Kasi kaya Lalo Kong naiinlab Sayo e" pahaging ng binata sa kanya. Simula Kasi ng lumipat Sila sa Lugar na iyon ay nagpakita na ng interes sa kanya Ang binata ngunit Hindi niya binigyang Pansin iyon. Wala sa isip niya Ang mga ganoong Bagay at Isa pa Hindi siya Yung tipo ng babaeng Basta Basta na a attract sa Isang lalaki. Ilang minuto lang din ay narating na nila Ang don Ramon Tower. Nagmamadali siyang bumaba at halos patakbo ng pumunta sa kinaroroonan ng elevator. Saktong naghihintay siya ng pag bukas ng elevator ay Nakita niya si Cynthia. Isa sa mga staff rin ni Jay. "Jorgina! Kanina ka pa inaantay ni boss Jay! " nagaliwalas Ang muka nito ng Makita siya. May mga Dala Dala itong mga dokumento. "Ganon ba ? Nasa opisina pa ba siya?" nag aalalang tanong niya. " Nasa parking na, Ako na nga dapat Ang isasama Kasi iritable na " Inabot nito Ang mga Dala Kay Jorgina na tinanggap Naman ng dalaga " halika na sasamahan na kita Kay boss at tiyak umuusok na ilong nun" dugtong pa ni Cynthia. Nakahinga ito ng maluwag dahil Hindi na niya kinakailangang sumama sa meeting ng terror nilang boss. "Ok Sige" sagot na lamang niya sabay sunod sa tinutungo nito. Malayo pa ay tanaw na niya Ang bugnuting boss. Nagsasalubong na Naman Ang kilay nito at naka kunot noo. "I thaught you're not coming?" sarkastikong wika ng mayamang binata. "I-Im sorry sir " nag aalangang sagot niya. Saglit siyang pinasadahan ng tingin ng boss niya at Lalo niyang Nakita Ang pagka disgusto sa muka nito. " Let's go! " wika nito sabay suot ng itim ng sunglasses at sumakay sa passengers seat. Siya Naman ay Doon tumabi sa drivers seat. Napansin niyang mukang Bago Ang driver nito Ngayon. Siguro ay Hindi na Naman natiis ng dating driver Ang ugali ng boss niya. Madalas talagang pabago Bago Ang mga empleyado nito kwento pa sa kanya ng ilang ka opisina ay siya lang daw Yata Ang tumagal ng ilang buwan sa binata. . Tumikhim Ang binata. "Are you going to a party miss Reyes?" tanong nito. Nagtaka Naman siya sa tinuran nito. "Masyado yatang seductive Ang suot mo Ngayon" Ani nito sa baritonong boses. Naginit Naman Ang pisngi niya sa sinambit ng binata. Nakita niya kasing lihim na napasulyap sa kanya Ang driver. "Sorry sir, eto na Po Kasi Yung last pair of clothes na Meron Ako. Hindi pa Ako nakapaglaba dahil sa sobrang BUSY natin lately." sagot niya. Sadya talagang diniinan niya Ang salitang busy. "Bakit Hindi ka magpa laundry?" Nakagat ni Jorgina ibabang labi niya sa inis. Pag ganito Ang kanyang ginagawa ibig sabihin ay pinipigilan niya Ang sarili na magsalita ng di maganda. "Pasensya na sir pero mas maraming importanteng pinaglalaanan Ang Pera ko" sagot na lamang niya. Kanina pa siya ngali ngaling mag salita ng it's none of your business ayaw niya lang Gawin dahil nga may ibang tao Silang Kasama. Hindi na umimik pa Ang kanyang boss . Isinuot na lamang nito Ang earphone habang tahimik na nag scroll sa iphone nito. Nakarating Naman Sila sa tamang Oras ng meeting nila with Mr. Samson Lee . Nakahinga din siya ng malalim dahil kung nagkataon na na late Sila ay paniguradong siya nanaman Ang pagbubuntunan nito. Isang malaking building din Ang kumpanya ng negosyanteng si Mr. Lee. Nakikipag deal Sila sa matandang hapones dahil nga nais makuha ni Jay Ang lupa nito na malapit lamang sa bayan. Ayon Kasi sa binata ay magandang location Yun upang mag patayo ng Subdivision. Ilang minuto silng ng hintay ni Jay sa conference room. Hinanda na din niya Ang laptop na kanyang gagamitin . "Hello Mr. Villa real " bati ng Isang lalaking sa tingin niya ay nasa mid 50's. Sa tingin niya ay ito si Mr. Lee dahil bukod sa intsik ito ay halatang bilyonaryo din ito. "Good Morning Mr. Lee " nakangiting bati ni Jay at nakipag shakes hand pa ito sa hapones. Sa isip isip ni Jorgina ay napaka plastic ng kanyang amo dahil Hindi Naman talaga ito marunong ngumiti. Walang feelings kung Baga. Napa sulyap Naman sa kanya Ang matanda at kapansin pansing hinagod nito ng tingin Ang buo niyang katawan . Dumako pa Ang mga tingin nito sa kanyang dibdib kung kaya't nakaramdam siya ng pagka asiwa rito. "And who is this beautiful lady here?" nakangiti niyang tanong habang nakatingin pa Rin sa kanya. "She is MY secretary Mr. Lee " Ani Jay. Hindi niya alam kung sadya bang diniinan ni Jay Ang pagkakasabi sa saying "MY" o pakiramdam niya lang iyon. Ni Hindi manlang siya na introduce ng binata. "Hello I am Samson Lee And what is your name miss beautiful?" pagpapakilala nito habang nakalahad Ang mga kamay. Hindi Naman siya ingrata kung kaya't tinanggap niya Ang kamay nito. "Jorgina Reyes sir and you can call me Joerge" wika niya habang nakangiti. ramdam niya Ang pag higpit ng hawak nito sa kanyang kamay kung kaya't agad niya itong binawe. "That is a guy's name ! Joerge" nakangiti nitong wika. "Shall we start?" Ani Jay na Tila Kanina pa naiinis. Naupo na silang lahat at nag simula na ng meeting. Ngunit gayunpaman ay ramdam pa rin niya Ang malagkit na sulyap sa kanya ng matanda. Natapos Ang paguusap ngunit Hindi parin nakuha ni Jay Ang gusto niya. Mukhang nagpapakipot pa Ang matanda. Sa halip ay inimbitahan Sila nito sa nalalapit nitong birthday celebration na gaganapin sa Isang beach resort. At Doon daw mag de decide kung Ibebenta Ang lupain nito . Nasa elevator Sila pababa ng magsalita Ang boss. "Kaya ka ba nag ayos ng Todo para makabingwit ng bilyonaryong matanda?" taas kilay na tanong nito. Naginit Naman Ang Tenga ni Jorgina sa narinig. "Ano Po bang sinasabi nyo sir?" "Huwag ka na magkaila, kitang kita ko kung pano ka magpa cute sa matandang iyon. Ganyang ganyan Ang moves ng mga kilala Kong gold digger" tiim bagang nitong salita. "Alam niyo sir, Ang bitter niyo sa Mundo no? Wala bang nag seseryoso Sayo sa kabila ng yaman mo? Baka kasi sadyang Ang pangit ng ugali mo kaya kahit anong pogi at yaman mo walang nag mamahal ng totoo Sayo" nag ngitngit ngit na wika ng dalaga. "How dare you talk to me like that!?!" halata Ang galit sa muka ni Jay sa sinabi niyang iyon. "No! How dare you treat me like this!?" pasigaw niyang sagot. Sa pagkakataong ito ay Hindi na siya papayag na aapakan siya ng lalaking nasa harap niya. "Empleyado niyo Ako pero Hindi niyo nabili Ang pagkatao ko! Yung pinapasahod niyo sa akin? Pinagtatrabahuan ko yon! So you don't have the slightest right to insult me!" saktong pagkasabi non ay agad bumukas Ang pinto ng elevator. Sa halip na pumuntang parking lot ay dire diretso na sa labas SI Jorgina. Hindi na niya napigilan ang pag buhos ng kanyang luha. "Where are you going?!" pahabol na sigaw ni Jay. "Hell!!" pasigaw din na sagot ni Jorgina. Hindi na siya nag aksaya pa ng Oras upang lingunin ito. Agad na siyang pumara ng taxi at Dali daling sumakay. Ayaw niyang makasama Ang aroganteng boss niya. Talagang nag iinit Ang kanyang mga Tenga sa mga pinagsasabi nito. Nagpahatid na siya sa kumpanyang pinapasukan. Dire diretso siya sa opisina ng kanyang boss at nilapag lahat ng dalang dokumento. Nakabuntot Naman Ang ibang empleyado sa kanya dahil napansin ng mga ito na mainit Ang kanyang ulo. "Jorgina Anong nangyare? " tanong ni Cynthia. "Yung bwisit nyong boss bumuga na Naman ng apoy" naasar niyang wika habang hinuhubad Ang suot na ID. Kasama niyang inilapag iyon sa mesa ng binata at nag tungo na siya sa kanyang table. "Bakit Anong nangyari? " Nagtatakang tanong Naman ni Jane. Isa Isa niyang kinuha Ang mga gamit sa kanyang drawer. Hindi na siya umimik , namalayan Nalang niyang pumapatak Ang kanyang mga luha . Nasa ganoong eksena Sila ng dumating si Jay. Agad niyang pinunasan Ang luha samantalang nagsibalik sa kanya kanyang table Sila Jane at Cynthia. Hindi na siya umimik ng Makita Ang binata. Dumiretso na lamang siya at di ito pinansin. Ngunit agad siyang nahawakan ng binata sa braso. "What are you doing?" tanong niya. "I quit!" matigas na Sabi ng dalaga sabay Alis sa pagkaka hawak nito sa braso niya. Hindi na siya nag dalawang isip. Dire diretso na siyang lumabas ng office habang naiwang nakatulala Ang binata .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD