"Here. . " Ani Patrick sabay abot ng in can na softdrinks sa tila pagud na pagod na dalagang si Jorgina. Napalingon naman ang dalaga sa pamilyar na boses na iyon. "Sir Patrick kayo po pala?" Sabi pa niya. Kasalukuyan silang nasa labas ng building. "Mukang pagud na pagod ka?" Nagtatakang tanong ng binata. Pawis na pawis kasi ito at tila nagmamadali. Halata din ang pumumutla ng muka nito. "Pasensya na sir nagmamadali po ko" pagkasabi ay akmang tatalikod na. Naramdaman naman ni Patrick na may emergency sa dalaga kaya't hinablot niya ang braso nito. "I'll give you a ride." Hindi na rin nagdalawang isip pa ang dalaga. Alam niyang mahihirapan siyang sumakay dahil rush hour. Kailangan na niyang makarating ng ospital! Habang nasa sasakyan ay hindi naman mapakali si Jorgina. Hind

